in , ,

CuteCute OMGOMG

Kilalanin si Lea Dumortier Ang Napakagandang “Ka-look-alike” Ng Aktres Na Si Marian Rivera

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa dinadami ng tao sa mundo lahat tayo ay may pagkakataon na magkaroon ng kamukha. Kaya naman nakakamangha kung ang ating magiging kamukha na tao ay talagang ka-look-alike natin kahit saang anggulo man tingnan.

Katulad na lamang ng aktres na si Marian Rivera na viral ngayon sa social media ang kanyang super ka-look-alike na isang dalagang French-Taiwanese.

Source: Lea Dumortier IG

Ang dalagang ito ay kinilalang si Lea Dumortier 18-taong gulang, agaw-pansin siya ngayon sa social media dahil inihahalintulad siya sa award-winning actress at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kapansin-pansin kasi ang mga TikTok videos ni Lea kung maraming netizens ang nagsasabing kamukha niya ang aktres. Sa hugis nga naman ng mukha at hilatya nito ay talagang magkamukha ang dalawa na animo’y magkapatid silang dalawa.

Source: Lea Dumortier IG

May mga netizens din na kinukumbinsi siyang mamasyal dito sa Pilipinas o di naman kaya’y mag-audition para mag-artista. Pero dahil nga pandemya mukhang malabo pa itong mangyari at kung sakaling matuloy man ito kailangan muna ni Lea ang matutong magsalita ng tagalog.

Source: Lea Dumortier IG

Kasalukuyang nakatira ngayon sa bansang Amerika ang dalaga at nag-aaral ng kanyang kolehiyo sa Berkeley. Samantala bukod sa aktres na si Marian Rivera, marami din ang nagsasabi na kahawig din niya ang mga aktres na sina Carla Abellana, Kristine Hermosa at ang misis ni Alfred Vargas na si Yasmin Espiritu.

Gumawa si Lea ng isang video kung saan may caption itong, “maybe I’m secretly her daughter.” Kaya naman dahil sa kanyang mga nag-viral na video unti-unti siyang nakikilala ng mga tao.

Source: Lea Dumortier IG

At dahil dito, umani siya ng mga nakakatuwang komento mula sa mga netizens pati na rin ang kanyang mga larawan na ibinabahagi sa social media. At talagang napa-wow ang mga netizens dahil talagang kamukha-kamukha niya ang aktres, na tila version Marian noong kabataan pa niya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kiligin Sa Love Story Nina Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao Na Nagkakilala Sila Habang Nagtitinda Si Jinkee Sa Loob Ng Mall

Anak ni Mayor Chavit Singson Na Si Chelsey Singson, Agaw-pansin Sa Socmed