in

Anak ni Mayor Chavit Singson Na Si Chelsey Singson, Agaw-pansin Sa Socmed

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala natin ang mayamang negosyante at politikong si Mayor Chavit Singson. Siya ay kilalang-kilala sa bansang Pilipinas dahil na rin sa lakas ng kanyang impluwensya. Ngunit, bago siya nakilala sa politika bilang dating gobernador ng Ilocos Sur at Mayor naman ngayon ng Narvacan City isa muna siyang ama.

Source: Chelsey Singson IG

Sinong mag-aakalang may napakagandang anak na babae si Mayor Chavit. Kung ito ay kasa-kasama niya lagi lahat ng tao ay mapapatingin at mapapaisip kung sino nga ba siya.

Source: Chelsey Singson IG

Kilalanin natin si Chelsey Singson, agaw-pansin sa social media ang kanyang taglay na kagandahan. Kapansin-pansin ito sa mga larawan na kanyang ibinabahagi sa kanyang Instagram account. Ang ina ni Chelsey na si Rachel Tiongson ay isang former model kaya naman hindi na nakakapagtaka kung kanino niya naman ang kanyang taglay na kagandahan at ang napaka-charming na mukha nito. Makikita naman sa mga larawan ni Chelsey ang kanyang magandang mukha at sexy body figure kung saan pwedeng-pwede niyang pasukin ang pagmo-modelling at pag-aartista.

Source: Chelsey Singson IG

Marami ding mga kaibigan na mga celebrities si Chelsey, kaya naman may potensyal itong pasukin ang showbiz lalo pa’t napaka-photogenic nitong tingnan sa kanyang mga larawan. Madalas ding ibahagi ni Chelsey ang larawan nila ng kanyang amang si Mayor Chavit kung saan ito na ang kanilang pinaka-bonding time.

Source: Chelsey Singson IG

Mahilig din si Chelsey na mag-enjoy sa beach na makikita sa kanyang Instagram account ang iba’t-ibang islang kanyang napupuntahan tulad na lamang ng Siargao at Alona Beach sa Bohol na nakasuot siya ng kanyang napakagandang swimsuit.

Mahinhin kung titingnan si Chelsey pero iba naman ang kanyang angas pagdating sa loob ng boxing ring kung saan ito ang kanyang fitness sport. Bukod dito, isa rin siyang negosyante dahil nagmamay-ari siya ng sports retail store na GoSport Philippines at fitness center na Empower Training Center.

Source: Chelsey Singson IG

Sa taglay niyang kagandahan hindi na rin nakakapagtaka na siya ay isang brand ambassadress ng mga skin care cosmetic products, credit card at mga brand ng inumin.

Source: Chelsey Singson IG

May make-up man siya o wala talagang sadyang napakaganda ng kanyang mukha. Sa kabilang banda, happily married na ito sa kanyang asawang si Rafael Sison at mayroon na siyang isang anak na lalaki. Isang superwoman na maituturing si Chelsey dahil naba-balanse niya ang kanyang pagiging isang ina, asawa, negosyante, ambassadress at ang kanyang pagiging isang athlete.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin si Lea Dumortier Ang Napakagandang “Ka-look-alike” Ng Aktres Na Si Marian Rivera

§exy Actress na si Juliana Palermo, Kasal Na Sa Kanyang American Boyfriend