in

§exy Actress na si Juliana Palermo, Kasal Na Sa Kanyang American Boyfriend

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Patungong forever ang love story ng dating §exy actress na si Juliana Palermo, 36, sa kanyang non-showbiz American boyfriend na si Joel Crabtree, 39. Ibinahagi ni Juliana ang good news sa kanyang instagram account na inulan naman ng pagbati sa mga kaibigan at fans nito.

Source: Juliana Palermo IG

Makikita sa post na sa Cancun, Mexico ginanap ang engagement at napakaromantic ng proposal dahil by the beach lumuhod si Joel at saka tinanong siya ng, “Will you Marry Me?” At pati na ang kasal nila.

Source: Juliana Palermo IG

Kalakip sa post ni Julianna ang saya na nararamdaman sa mga panahong iyon: nilagyan nya ito ng caption ng, “Nasagot na din lahat ng bakit… I love you, Daddy [blue and white heart emojis] #swipeleft.”

Ipinakita din ng former §exy actress ang diamond engagement ring na talaga namang kita hanggang Jupiter ang laki ng dyamante.

Source: Juliana Palermo IG

Mapapansin sa social media posts ni Juliana na dalawang taon nang magkarelasyon ang dalawa ay mayroon na rin silang anak na lalake na nagfirst birthday noong March 7, 2021. Kasalukuyang naninirahan sa Indiana ang dalawa kasama ang kanilang anak.

Source: Juliana Palermo IG

Halatang pinaghandaan ni Joel ang kanyang proposal at kitang kita ang tuwa sa kanilang dalawa. Noong 2019 nagpasya si Juliana na manirahan sa US kasama ang anak nitong si Ace Christian na 10 taon gulang. Si Ace ay anak ni Juliana sa dating boyfriend nito na nakilala nito sa New Zealand.

Source: Juliana Palermo IG

Noong 2003 ay gumanap pa si Juliana sa pelikulang www. xxx. com sa direksyon ni Tikoy Aguiluz. Nasundan naman ito ng ilang pelikula pa nang makitaan siya ng potensyal sa showbiz. Matapos ito ay nagtrabaho sa Hong Kong si Juliana at noong 2012 ay nafeature siya sa Playboy Philippines.

Source: Juliana Palermo IG

Makikita naman sa social media nito ang sagot nang tanungin siya ng isang fan kung hindi ba nito namimiss ang showbiz, “I miss the acting part of the job. All the things that come with it though, I’m not so sure. It’s not easy being in showbiz. I’m happy where I am.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak ni Mayor Chavit Singson Na Si Chelsey Singson, Agaw-pansin Sa Socmed

High School Sweethearts Na Minsang Naghiwalay Ngunit Mas Piniling Tuparin Ang Pangako Sa Isa’t-Isa Na Kapwa Maging Doctor