in

Bela Padilla, Nagmukhang Barbie Doll Ng Ibahagi Niya Ang Kanyang Napakagandang Hair Transformation

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming netizens ang napa-wow ngayon sa bagong look at hair transformation ng aktres na si Bela Padilla. Dahil ibang-iba na ito sa kanyang mga nakagawian niyang hairstyle at make-up. Kung nasanay ang karamihan sa kanyang kulay itim o di naman kaya brown nitong buhok dahil madalas naman talaga itong magpalit ng kulay ng buhok.

Kaya naman laking gulat ng kanyang mga tagahanga nang makita ang Instagram post ng aktres kung saan nagmukha siyang barbie doll sa kaniyang buhok na kulay blonde. Dahil dito, hindi maikakaila na talagang blooming na blooming ngayon si Bela at mas lalo pa siyang gumanda sa kanyang napaka-habang buhok at mala-korean look.

Source: Bella Padilla IG

Kapansin-pansin din ang kanyang minimalist accessories kung saan suot-suot niya ang kanyang super cute na Prada hairclips.

Samantala, marami rin ang nakapansin na ibang-iba ang saya ngayon ni Bela marahil dahil ito sa kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay. Nagkakilala ang dalawa noon sa St.Gallen nang mag-shooting ang aktres para sa isang pelikula nila ni Carlo Aquino.

Source: Bella Padilla IG

Hindi man madalas mag-post si Bela patungkol sa kanyang buhay pag-ibig ay pinakilig naman nito ang mga netizens nang sagutin niya ang Q&A sa kaniyang Instagram stories. Bago pa man nga magkaroon ng lockdown ay nakapag-bonding na sila ng kanyang boyfriend sa napaka-gandang lugar ng Cappadocia.

Source: Bella Padilla IG

Ayon nga sa aktres, hindi siya madalas magpunta sa mga tourist spot pero kakaiba ang kanyang naging experience dito kasama ang niya ang kanyang boyfriend. Sa katunayan, kabilang na nga ito sa mga paborito niyang lugar sa buong mundo. Maliban sa magagandang memories nila ng kaniyang boyfriend ay malaking tulong din ang regular beauty routine ng aktres para ma-maintain ang kaniyang natural glow.

Source: Bella Padilla IG

Ilan lang sa mga ginagamit niya sa mukha ay ang Dior facemask na mayroong glycolic acid at citric acid. Mabisa umano ito para sa skin exfoliation na gustong-gusto ni Bela dahil wala siyang masyadong effort para matanggal ang mga dumi sa mukha. Hindi rin mawawala ang kaniyang ‘La Mer eye cream’ na mabisa para mawala ang dark circles dahil sa pagpupuyat.

Source: Bella Padilla IG

Pero aminado ang aktres na minsan ay pinalamig na kutsara sa freezer ang kanyang ginagamit para ma-relax ang kanyang mata. Talaga namang naalagaan ng husto ni Bela ang kaniyang sarili kaya naman kahit na anong hairstyle at make-up ang subukan niya ay bagay na bagay pa rin ito sa kaniyang makinis at napaka-gandang balat.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bela Padilla, Nagmukhang Barbie Doll Ng Ibahagi Niya Ang Kanyang Napakagandang Hair Transformation

Bettina Carlos At Asawa Nito, Ipinapatayo Na Ang Kanilang Villa Resort Pati Na Ang Sorpresang Dream House Sa La Union