in

Francine Diaz, Mayroong Bahay At Sasakyan Ng Naipundar Para Sa Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kapamilya Star na si Francine Diaz, ipinagmalaki ang bunga ng kanyang pagsisikap at karera sa showbiz. Pangarap ang nagtutulak sa atin na ibigay ang ating makakaya sa ating karera. Kasalukuyang natupad ni Francine ang pangarap nitong makapagpundar ng bahay at sasakyan para sa kanyang pamilya at proud ito sa achievement.

Source: Vicky Belo

Ibinahagi nito na madalas silang lumipat ng bahay kaya naman ay naisipan ng dalaga na magipon upang makabili ng sariling bahay at hindi na nila kailanganin na mangupahan pa. Abot langit ang saya ng kanyang pamilya nang malama na mayroon na silang sariling bahay.

Source: Francine Diaz IG

Ayon kay Francine sa vlog ni Vicki Belo, “Gustong-gusto kasi naming ng sariling bahay. Actually, palipat-lipat nga kami. Ngaon nakakatuwa na meron na kaming house and may car na rin.”

Source : Francine Diaz IG

Dagdag pa nito, “Yung top two na sobrang kailangan namin yun yung inuna ko. And ngayon yung mga kapatid ko nag-aaral pa sila and gusto ko ma-achieve na may makapagtapos ako na kapatid sa pag-aaral.”

Nagbahagi rin ito ng pagsasama nilang magkakapatid at ilan sa mga bagay na ginagawa nilang magkakasama. “Every night nagro-rosary kami as family. Kung hindi man rosary nagpe-pray kami nang sabay-sabay bago matulog,” saad ni Francine.

Source: Vicky Belo

Kinuwento rin ni Francine ang parenting style ng kanyang mga magulang, “Yes strict po ang parents ko pero hindi naman yung strict na sobra-sobra. Strict sila kapag late na aalis or uuwi. Meron kaming curfew, may cut-off kami.”

Hinarap din ni Francine ang katanungan kung mayroon itong mga kapatid na nais magartista, “Kung gusto nila susuportahan ko sila pero wala silang balak, eh. Sobrang mahiyain sila. Maski may bisita sa bahay nahihiya silang bumati. Hanggang hi lang sila. pero kung gusto nilang mag-artista susuportahan ko sila.”

Source: Google

Inamin din nito na isa siyang ‘ambivert’, “Hindi ako masyado introvert, hindi rin masyado extrovert. Nandu’n ako sa gitna. Nagiging introvert lang ako kapag nasa bahay gusto ko na mag-isa ako.

“Parang du’n ko binabalik yung lahat ng energy na naubos ko sa work. Nagiging extrovert ako siyempre kapag kailangan sa work. Nakikipag-usap ako, nakikibuo ng friendship.”

Source: Francine Diaz IG

Ibinahagi din nito na pangarap din nito makuha ang kanyang college diploma, “Siyempre kasama sa dream ko yung sa college kasi I believe hindi naman pang-forever yung fame so kailangan parati ka may fallback na meron kang ititira for yourself. So yun yung gusto ko na mag-college ako para kahit paano, if ever magtayo ako ng business. Kung mawalan man ako, huwag naman sana ngayon, ng work, at least may nag-aantay sa akin na puwede kong pagkaabalahan in the future.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Napakagandang Mga Litrato Ni Iza Calzado, Umani Ng Papuri Sa Netizens

Bela Padilla, Nagmukhang Barbie Doll Ng Ibahagi Niya Ang Kanyang Napakagandang Hair Transformation