in

Napakagandang Mga Litrato Ni Iza Calzado, Umani Ng Papuri Sa Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ibinahagi ng batikang aktres na si Iza Calzado sa kaniyang Instagram Post ang dalawang litrato sa photoshoot at umano ito’y naging highlight. Marami ang namangha at nagulat sa naging shots dahil sa napaka-classy nga naman. Sa napaka-ganda niyang black dress at sa black cap na pangpilot ay tila siya ay babaeng piloto.

Source: Iza Calzado IG

Makikita nga sa kaniyang mga larawan ang kaniyang natatanging natural na ganda. Nakakapagbigay rin ng karisma ang perfect shape body niya sa tulong ng malinaw na upuan na lalong nagpasosyal sa dating ng aktres. Kung mahihinuha natin, napakalakas ng awra niya kahit na napaka-simple lang ang sout ng aktres at dahil nga sa taglay nitong karisma ay bawing-bawi ito at talaga namang napaka-elegante ng awrahan ng aktres.

Source: Iza Calzado IG

Ang kaniyang maala-aviation themed photoshoot ay naganap sa Palacio de Memoria. ” I want to get away, I want to fly away ✈️ .” sa panimula ng kaniyang caption nito mababasa.

Tila lubos na nagustuhan ni Iza ang magtravel dahil sa kaniyang tema sa photoshoot at dahil sa outfit niya na tila siya mismo ang nagpapalipad ng eroplano.

Source: Iza Calzado IG

” Sharing a layout from our @tatlerphilippines shoot that seriously makes me missing travelling.”

Gaya ng isang taong mahilig mag-ikot-ikot, pumasyal o magtravel, sa mga ganito talagang gawain ay tiyak na mararamdaman talaga ang pagkamiss ni Iza. Samantala, sa pagdating ng covid ay naging apekto ang mga sasakyan pang lupa, pandagay maging sa sasakyang himpapawid kaya naman bihira na ang pagtravel sapagkat sa mahigpit na protocol. Ito’y dagdag ng aktres.

Source: Iza Calzado IG

” Where would you fly off to, if you could 💫 .” sa pangwakas nitong caption. Napag-isipan ng aktres na gusto niyang madalaw ang kaniyang mga followers o gusto niyang malaman ang mga saloobin ng mga ito. Sa comment section mababasa rin ang mga reaction at mensahe galing sa mga netizens gayundin sa mga malapit na kaibigan niya sa industriya ng showbiz at maging ang mga kasamahan nito.

Source: Iza Calzado IG

Ibinahagi naman ang kanilang paghanga gamit ang mga admiration messages o mga emojis. Labis pinaparating ng karamihang celebrities ang kanilang paghanga sa batikang aktres na si Iza.

Mamamasdan sa post ang unang larawan na litaw na litaw ang nakakahumaling dahil sa napakagandang side profile ni Iza gayundin sa pangalawang litrato na tila walang kupas ang ganda kung saan ay nakaharap siya sa camera lubos hinangaan ang aktres dahil sa awra nito.

Source: Iza Calzado IG

Siya si Iza Calzado na kilala sa screen name at ang tunay nitong ‘ngalan ay ” Maria Izadora Ussher Calzado-Wintle “, ay isang host, dancer, model, at isang batikang aktres. Ikinasal siya kay Ben Wintle na CEO at Founder ng isang software company noong taong 2018.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lovi Poe, Gaganap Sa Isang Hollywood Film Na The Chelsea Cowboy

Francine Diaz, Mayroong Bahay At Sasakyan Ng Naipundar Para Sa Pamilya