in

Lovi Poe, Gaganap Sa Isang Hollywood Film Na The Chelsea Cowboy

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami na sa ating nga local celebrities ang minsang gumanap sa mga Hollywood film. This time, si Lovi Poe naman ang going international sa career nito matapos ilabas ng Hollywood online news na deadline.com ang casting nito.

Source: Lovie Poe IG

Gaganap si Lovi Poe sa film na ‘The Chelsea Cowboy’ bilang isang British blues singer na tumulong sa protagonist na si John Bindon. Ang role ay dating ginampanan ni Dana Gillespie. Si Dana ang original Mary Magdalene sa Jesus Christ Superstar na isang musical play na sumikat noong 1972 kasama sina Andrew Weber at Tim Rice.

Source: Lovie Poe IG

Ang iba pang makakasama ni Lovi Poe sa pelikula ay sina Alex Pettyfer (Magic Mike), Poppy Delevigne (Rivera), at Idris Elba (The Suicide Squad). Si Ben Cookson naman ang direktor ng film.

Source: Lovie Poe IG

Hindi naman maitago ni Lovi Poe ang excitement sa upcoming project nito kasama ang mga kilalang Hollywood celebrities. Ipinost ni Lovi ang balita sa kanyang Instagram account at sinabing, “Aaaah….can’t wait to start filming The Chelsea Cowboy in October.

Source: Lovie Poe IG

“The film is a biopic based on the life of actor, gangster and lothario John Bindon. I’ll be playing blues British singer Dana Gillespie!

“Excited to be working with this amazing team of creatives @alexpettyfer @poppydelevingne @idriselba

More details soon!”

Source: Lovie Poe IG

Hango naman sa makulay na buhay ni John Bindon ang pelikula kung saan ay isa itong English aktor na napatunayang may koneksyon pala sa mga gangster sa London. Isa sa naging kontrobersyal ang kwento ni John Bindon noong 1943-1993.

Sa kabilang banda, isa din sa talented actresses sa bansa si Lovi Poe at maraming pelikula na ang naging proyekto nito. Isa sa mga latest projects nito ay ang ‘The Other Wife’ at ‘Owe My Love’.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Heartrobe Na Anak Ni Cherie Gil Na Si Rafael Rogoff

Napakagandang Mga Litrato Ni Iza Calzado, Umani Ng Papuri Sa Netizens