Sa pagkakaroon ng mga b@kuna sa buong mundo, tumataas din ang tyansa na lumuwag ang mga protocols ng iba’t-ibang bansa. Sa panahon ngayon dahil nga pandemya at lagi na lamang nanatili sa loob ng kanya-kanyang mga tahanan ay naiisipan din ng mga tao ang makapag bakasyon kahit papaano. Tulad na lamang ng artista na mahilig mamasyal at mag-travel sa ibang bansa.

Karamihan naman sa mga artista ay kanilang ibinahagi ang kanilang mga masasayang pamamasyal sa iba’t-ibang lugar sa kani-kanilang mga social media account. Ito ang kanilang paraan upang makapagpahinga mula sa kanilang nakakapagod at nakaka-stress nilang mga TV projects.

Kagaya na lamang ng ginawang pamamasyal ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kasama ang kanilang dalawang anak. Masayang ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram account ang kanilang naging pamamasyal sa bansang Switzerland.

Matatandaan na hindi nakasama noon si Richard sa paglipad ng kanyang pamilya sa Switzerland dahil sa kanyang mga TV projects. Kaya naman ngayon ay nakagawa ng paraan ang aktor upang makahabol sa bakasyon ng kanyang pamilya.

Makikita dito ang mga kuhang larawan nilang magpamilya kung saan nag-eenjoy sila sa kagandahan ng lugar. Ang kanilang ginagawang pamamasyal sa ibang bansa ay nagsisilbing quality time na nilang magpamilya. Kaya naman sinusulit nila ang bawat lugar na kanilang napupuntahan.

Siyempre, hindi naman magagawang mamasyal ng mag-asawang Gutierrez na hindi nila kasama ang kanilang dalawang napaka-gwapong mga anak na sina Zion at Kai. Kasama rin ni Sarah ang kanyang mga magulang sa kanilang bakasyon grande.

Makikita sa larawan ang pinaka-magandang train station sa Lausanne, Switzerland ang kanilang pinuntahan. Ipinasilip din ni Sarah ang magandang lugar sa Geneva, Switzerland kung saan dito naka-base ang kanyang ama nang bisitahin nila ito kasama ang kanyang mga anak at kanyang ina. Ito ang kanilang first travel pagkatapos ng nangyaring lockdown sa bansa.

Sa Instagram account ni Sarah, makikita pa ang iba’t-ibang lugar pa na kanilang napuntahan sa nasabing bansa.
Comments
Loading…