in ,

CuteCute

Roxanne Barcelo, Proud Mom Na Ipinakita Ang Mga Pictures Ng Kanyang Cute Na Baby Cinco

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang bagong kabanata sa buhay ni Roxanne Barcelo ang pagiging ina. Halo-halo ang emosyon nito sa pagdating ng kanyang anak na si Baby Cinco.

Source: Roxanne Barcelo IG

Ang pagiging magulang ay sadyang napakarewarding, lalong lalo na kung isang cute na anghel ang iyong karga-karga. Kaya naman ay proud na ipinakilala sa mundo ni Roxanne Barcelo ang kanyang anak.

Source: Roxanne Barcelo IG

Cute na cute si Baby Cinco sa kanyang daily outfits at tila nakatingin sa bawat anggulo ng kamera. Hindi na rin kataka-taka ang dami ng mga netizens na kinagiliwan ang mga photos ni Baby Cinco. Maliban sa kilalang personalidad si Roxanne ay talaga namang namana ng anak nito ang good looks nilang mag-asawa.

Source: Roxanne Barcelo IG

Maamong mukha, chubby baby face at rosy cheeks ang ibinida ni Baby Cinco. Ibinahagi ni Roxanne ang bawat buwan na milestone ni Baby Cinco sa Instagram, at maliban sa cuteness overload ay napaka aesthetic at calm ng awra ng mga pictures. Mayroon din picture na ipinost si Roxanne na kalong-kalong ang anak. Dito ay ipinagpaalam ni Roxanne na babawi muna ito ng lakas bago nito ibahagi ang bawat pangyayari sa kanyang pregnancy journey.

Source: Roxanne Barcelo IG

Hindi rin ito nakalimot na magpasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya tulad na lamang ng asawa nito na nakaalalay sa kanila ng kanyang anak. Masaya rin ito at nabiyayaan siya ng pamilya na makakapiling at hindi na nito kailangan harapin ang buhay ng mag-isa.

Source: Roxanne Barcelo IG

Ibinunyag din ni Roxanne na matagal na niyang pinapangarap na maging isang asawa at ina. Ngayon ay naisakatuparan na ang kanyang mga pangarap at batid dito ang saya. Ipinanganak ni Roxanne si baby Cinco noong May 22, nitong taon.

Source: Roxanne Barcelo IG

Nang apat na buwan na buntis ito ay ibinahagi nito ang kanyang pagdadalang tao at ang balitang ikinasal na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend. Pahayag pa nito sa kanyang post, “Totoo pala ‘yong kasabihan na kung alam mo, alam mo.”

Congratulations Roxanne!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Asawa Ni Alfred Vargas Na Si Yasmine, Hindi Halatang May Tatlong Anak Na

Cristina Gonzales, Isa Sa Mga Napakagandang Mukha Sa Mundo Ng Showbiz Nagbalik Sa Spotlight Matapos Nito Tumakbo Sa Pulitika