in

Cristina Gonzales, Isa Sa Mga Napakagandang Mukha Sa Mundo Ng Showbiz Nagbalik Sa Spotlight Matapos Nito Tumakbo Sa Pulitika

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay na kahanga-hanga ang mga taong kayang sumabay sa agos ng buhay. Iba-iba man ang pangayayri na naging dahilan ng mga pangyayari sa kanilang buhay ay nagagawa pa rin ng mga ganitong tao na tumayo at sumabay sa agos ng buhay.

Source: Cristina Gonzales Facebook

Kung isa ka sa batang 90’s tiyak na nakikilala ninyo ang pangalang Cristina Gonzales. Taglay ang kanyang angking ganda at karisma ay tinahak ng Spanish-British beauty ang mundo ng showbiz noong 90’s. Tinaguriang pantasya ng bayan ito nang mga panahon na iyon at bagamat nagsimula ito bilang mahinhin at mahiyain na aktres ay nahanap naman nito ang lakas ng loob na magpaseksi sa kamera. Ito ang naging daan upang sumikat ito sa showbiz at makakuha ng maraming projects sa telebisyon. Kilalang modelo rin ito, bilang calendar girl ng mga inumin.

Source: Cristina Gonzales Facebook

Hinahangaan ng marami ang napakaganda nitong kutis at talaga namang nagiwan ng kanyang marka sa showbiz. Subalit tulad ng ibang artista ay kinailangan na nitong iwan ang mundo ng showbiz para sa susunod na kabanata ng kanyang buhay. Pinakasalan nito ang politician na si Alfred Romualdez na pamangkin ni Imelda Marcos. Di katagalan ay nabiyayaan sila ng dalawang magagandang anak na sina Sophia at Diana.

Source: Cristina Gonzales Facebook

Dahil sa impluwensya ng kanyang asawa ay nainspire din itong pasukin ang mundo ng politics. Noong 2007 ay naging konsehal ito ng Tacloban kung saan ay umabot siya ng siyam na taon sa pwesto. Maliban rito ay naging Mayor din ito noong 2016 hanggang 2019.

Source: Cristina Gonzales Facebook

Matapos ang 15 na taon nito sa mundo ng politika ay naisipang bumalik ni Cristina sa industriya ng showbiz. Ngayon ay may kontrata ito sa Viva Artist Agency. Saad ni Cristina, “I am 50, at my age now, I don’t think Viva will offer me the same roles that I did before. I think they will offer me something that’s age appropriate din, diba?”

Source: Cristina Gonzales Facebook

Dagdag pa nito, “I miss the fun in showbiz, politics is too serious. There are always problems coming up in politics. You have to serve your constituents properly. Unlike sa showbiz, it was really a more of a fun thing. Mas stressful ang politics.” Nakasama naman sa cast ng ‘FPJ’s: Ang Probisyano’ si Cristina.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Roxanne Barcelo, Proud Mom Na Ipinakita Ang Mga Pictures Ng Kanyang Cute Na Baby Cinco

Celebrity Couple Na Sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Masayang Ibinahagi Ang Kanilang Bakasyon Grande sa Switzerland