in ,

LoveLove

Panganay Na Anak Ni Pokwang, Tumatanggap Ng Papuri Sa Karamihan Dahil Sa Kagandahan Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mapa-split o comedy, lahat ay kinakaya ng komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang. Kaya naman ay mabilis ang pagsikat nito sa mundo ng showbiz. Lingid sa kaalaman ng karamihan ay mayroon na itong dalagang anak na ubod ng ganda.

Source: Google

Dalagang-dalaga na at may potensyal mag artista ang panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae Subong. Agaw pansin naman sa social media ang taglay na ganda ng dalaga. Mula sa matatamis na ngit, at magagandang mata, mukhang may ilalaban ang ganda nito sa showbiz.

Source: Google

Japanese-Filipino si Ria Mae, at nakapagtapos ng pag-aaral sa Enderun Colleges para sa kursong Culinary Arts. Tulad ng ina nito ay tila mahilig din sa pagluluto ang dalaga. Bagamat half-Japanese ay dito lumaki sa Pilipinas si Ria Mae sa piling ng inang si Pokwang.

Source: Google

Ikinasal si Pokwang sa American actor na si Lee O’Brian at nabiyayaan naman sila ng isang anak na si Malia O’Brian na ngayon ay tatlong taong gulang na. Nang tanungin si Ria Mae sa turingan nila ng kanyang step-father, masayang ikinuwento ng dalaga sa ‘Magandang Buhay’ ang opinyon nito sa tinuturing na ama.

“Sobrang supportive niya po sakin tsaka yung eff𝔬rt talaga, pinakita talaga niya na kaya niya akong alagaan kahit hindi kami magkaano-ano,” ayon kay Ria.

Source: Google

Sa katunayan ay ito pa ang tumutulong kay Ria Mae tuwing nagiging mahigpit si Pokwang sa kanya. Ipinapaliwanag ni Lee na hindi na bata ang anak nito.

“Kapag nagpaalam ako kay mama or may sinabi ako kay mama tapos hindi niya nagustuhan, siya yung magsasabi na parang ‘Okay, chill, it’s your d𝔞ughter. She’s not gonna be forever l𝔦ke a ch𝔦ld.'” Pagkukwento ni Ria. “So parang bini-build niya ako na at some point kailangan ko rin maging mag-isa. So yun yung naging ano niya sakin, tulong niya.”

Source: Google

Hindi man nagpakita ng interes si Ria Mae sa showbiz ay patuloy naman nito hinahasa ang kanyang kaalaman para sa karera na gusto nito sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Napagtapos Ang Isang Nobya Dahil Sa Kanyang Nobyong Konduktor

Asawa Ni Alfred Vargas Na Si Yasmine, Hindi Halatang May Tatlong Anak Na