Kay sarap at gandang makasaksi ng magcouple na nagtutulungan kahit sa kahirapan. Katulad na lamang ng magkasintahan na sina Sincer Mae Balili at si Edilberto “bert” Tanghap Andil.

Ang hanapbuhay ni Bert ay isang konduktor ng bus sa Rural Transit Mindanao, Inc at ang kinuhang kurso ng kaniyang nobya ay Bachelor of Science of Business Administration.

Umaapaw ang kagalakan ni Mae sa Transit Mindanao, Inc dahil sa tulong na ibinibigay ng kompanya na maisakay siya sa bus ng libre tuwing papasok sa paaralan. At hindi lang iyon nakakadagdag ang pamasahe sana niya sa bus sa kaniyang pag-aaral upang gamiting panggastos sa mga project sa School.
Sa kasamaang palad ay hindi makakadalo si Bert sa graduation ng kaniyang nobya dahil siguro ay duty ngunit gumawa ng paraan ang kasamahan ni Bert upang makaattend at magkasama ang dalawa.

Lubos ang pasasalamat ni Mae sa kaniyang nobyo dahil sa pagtitiyaga upang magpatuloy at makapagtapos ng pag-aaral. Datapwa’t, napakagandang opurtunidad na maipagpatuloy ni Bert ang pag-aaral ng Grade 11 na HUMS or Humanities and Social Sciences ang kinuhang strand.
“𝑃𝑟𝑜𝑢𝑑 𝑘𝑎𝑎𝑦𝑜 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑓𝑢𝑙𝑙 𝑠𝑢𝑝𝑝𝑜𝑟𝑡 𝑠𝑎𝑎𝑘𝑢𝑎 𝑝𝑎𝑔 𝑗𝑎𝑝𝑜𝑛 𝑢𝑔 𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑎𝑦𝑜 𝑘𝑎𝑦 𝑡𝑖𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑟𝑎𝑠𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑙𝑎. ( sobrang proud ako sa kaniya dahil sa lubos na suporta sa pag-aaral ko. Kahit hindi man siya nakasama salamat padin dahil tugma padin yung oras namin.), saad ni Mae.

“Mula noon siya na ang gumapang sa pag-aaral ko alam kong maliit lang sahod niya pero tulong-tulong kaming dalawa.” ani pa niya. Nakakamangha dahil hanggang ngayon ay meron pa ring magkasintahan na nagbibigayan sa isa’t isa at nagtutulungan kahit na hadlang ang kahirapan ngunit hindi nila ito pinansin at nagpatuloy upang makamit ang tagumpay.
Comments
Loading…