in

Amang Fishball Vendor Nagsumikap Upang Mapagtapos Ang Apat Niyang Anak Sa Kolehiyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ipinagmamalaki ni Girlie Versoza ang kaniyang fishball vendor na ama na ipinamahagi ang kwento sa Facebook post, sapagkat dahil sa sipag ng kaniyang ama ay nakapagtapos sa kolehiyo at narating nila ang rurok ng tagumpay. Nag-uumapaw sa kasiyahan si Girlie dahil sa pagtitiyaga at pagsusumikap sa kanila ng kanilang ama na sa munting negosyong street food na gaya ng fishball.

Source: Girlie Versoza

Malaki ang responsibilidad ang magkaroon ng anak kapag sila’y malaki na at nagsipag-aral na lalo na pagdating ng kolehiyo dahil sa ito ay magastos. Sa pamamagitan lamang ng pagtitinda ng fishball at dahil sa sipag at dedikasyon ng kanilang ama napagtapos silang apat na magkakapatid.

Labis ang pasasalamat ni Girlie sa kaniyang ama sapagkat kahit mahirap ang buhay sa pagtitinda sa kalsada ay hindi nito alintana ang pagod at hirap, kahit sa magandang panahon, maulan man o mainit ay positibo pa rin itong nagbebenta ng fishball.

Source: Girlie Versoza

” Maraming Salamat sa papa ko at mama ko …. alam ko po na marami kayong gutom na tiniis…. maraming panghihina ang pinaraya…. maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahilo na… puyat at pagod na …. pero lahat ginawa para mapatapos lang kami sa pag-aaral… maraming maraming salamat po.”

Sa kwentong ito ni Girlie, dahil sa fishball vendor ang ama at ito ang pinagkukunan ng pangkabuhayan ng kanilang pamilya ay madalas silang dumadanas ng pagpapahiya sa mga kaklase at sa mga tao.

Hindi nila pinansin ang pang-iinsulto at pagpapahiya sapagkat tinuruan sila ng kanilang magulang ng mabuti at kung ano ang tama at mali kung kaya’t nagpukos sila sa kanilang pamumuhay at hindi sa opinyon ng ibang tao. Kahit ganun ang estado ng kanilang buhay ay palaging pinapaalalahanan ng kanilang ama na huwag mahiya at huwag ipagsiksikan ang sarili sa ibang tao kung gayon ay madalas nila itong ibinabaon kung saan man sila magpunta maging isinasapuso rin.

Source: Girlie Versoza

” Anak, kung anong meron ka huwag mong ikahiya…. huwag mong ipilit na mag-astang mayaman para lang kaibiganin ka ng ibang tao…. maging natural ka lang.” Ang parating payo ng kanilang ama.

Ang kagalakan at kontento ay nasa kanilang pamilya dahil sa masipag nilang ama silang apat ay nakapagtapos at makakatulong na rin sila sa kanilang magulang. Gagaan na ang buhay nila sapagkat silang apat na magkakapatid ay magtutulong-tulong upang mabawasan na ang paghihirap ng kanilang ama.

Ang ipinost ni Girlie ay nagtrending at umapaw ang maganda at positibong mga komento mula sa netizens na naghatid ng paghanga para sa kanilang ama.

” One in a million you, your family is an inspirasyon in it’s truest sense.”

” Wow, I salute you Tatay sa iyong kasipagan at pagpupursige na mapagtapos mo ang apat mong anak kahit fishball vendor ka lang. Keep up the good work, isa kang inspirasyon sa nakararami.”

” Proud ako sayo Tatay, proud din ako sayong mga anak na sinuklian ang paghihirap mo.”

” Yan ang padre de pamilyang tunay, saludo po kami sa inyo pati sa mga anak niyo.”

” Hindi talaga hadlang ang kahirapan sa pag-aaral, inspirasyon yan para makapag-tapos.”

Source: Girlie Versoza

Alam ni Girlie gayundin ang kaniyang mga kapatid ang pagod at tiyaga ng kanilang ama kaya naman ibinalik nila ito ng determinasyon at dedikasyon para makapag-tapos. Mahirap man ang buhay kung may pursigi at pagsusumikap kahit sa munting negosyo ito ay mabibigyan din ng kinabukasan ang kaniyang mga anak dahil sa pagmamahal ng bawat isa at kagalakan na mapagtapos ng pag-aaral ang apat na anak ay naging sapat na ito kay tatay upang magpatuloy sa buhay.

Hindi mahirap at walang pagod ang kayang tiisin para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang 19 Year Old Na Dalagang Working Student, Nakabili Na Ng Bahay At Lupa

Napagtapos Ang Isang Nobya Dahil Sa Kanyang Nobyong Konduktor