in

LoveLove

Isang Dalagang Nagcelebrate Ng Kanyang 18th Birthday, Nakatanggap Ng Php118,000 Blue Bills

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga magandang karanasan sa buhay ay ang pagkakaroon ng isang masaya at memorable na kaarawan. Bahagi ng pagdadalaga ng isang babae kapag ito ay nakatuntong na sa edad na 18-taong gulang. Sapagkat sa ganitong edad hindi na ito maituturing na bata. Kaya masaya sa pakiramdam kapag nakakaranas ang isang babae na mag-celebrate ng 18th birthday o ang tinatawag na ‘debut’.Kung saan madalas mayroong itong mga 18 roses, 18 gifts, 18 treasure at 18 blue bills.

Kagaya ng isang dalagang nagdiwang kamakailan lang ng kanyang ‘debut’, na talaga nga namang naging memorable sa kanya. Ang maswerteng debutant na ito ay kinilalang si Alexis Tapaoan na mula pa sa Cagayan Province. Si Alexis kasi ay nakatanggap lang naman ng tumataginting na 118 blue bills na nagkakahalaga din ng Php118,000 noon lamang August 9, 2021 kung saan ito ang kanyang 18th birthday.

Source: PhilStar

Ayon kay Alexis, hindi daw siya humingi ng engrandeng handaan mula sa kanyang mga magulang dahil nga pandemya pa. Pero nagulat na lamang daw siya ng bigyan siya ng kanyang ama ng isang bouquet na may maraming blue bills sa kanyang espesyal na araw.

Source: PhilStar

Saad pa ni Alexis sa naging panayam sa kanya ng ‘The Philippine Star’, “In my entire 18 years of my life, hanggang P3,500 lang nahahawakan ko and that includes my boarding rent, transportation, and allowance.”

Dahil ang kanyang ina ay isang OFW, binigyan siya nito ng advice kung paano niya panghahawakang mabuti ang perang kanyang natanggap sa kanyang 18th birthday.

Source: PhilStar

Pahayag ng kanyang ina, “Tipid-tipid lang, anak. Please always think before spending money, your needs and wants. Focus ka lang sa needs if hindi kaya ng budget.” Kaya naman naisipan ni Alexis na i-save na lamang ang kanyang pera para sa kanyang future.

Source: PhilStar

Bibihira lamang ang mga taong nakakatanggap ng ganitong halaga sa araw ng kanilang kaarawan kaya maswerte na silang maituturing. Ngunit kinakailangan pa rin ang ibayong pag-iingat sa tamang paggamit ng pera para sa ikabubuti ng buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tatlong Dalagang Matalik Na Magkakaibigan, Nakamit Ang Kanilang “BFF Goals” Na Sabay-Sabay Silang Maging Lisensiyadong Doctor

Isang 19 Year Old Na Dalagang Working Student, Nakabili Na Ng Bahay At Lupa