in

Isang 19 Year Old Na Dalagang Working Student, Nakabili Na Ng Bahay At Lupa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay ngang masarap sa pakiramdam na may nakakamit tayong tagumpay sa buhay. Ito ang tagumpay na bunga ng ating pagsisipag at pagtitiyaga sa buhay. Kahit na may p@ndemya hindi ito nagiging hadlang upang maisakatuparan ang isang pangarap.

Source: Patricia Mae Tandas

Kagaya ng isang dalagang kinilalang si Patricia Mae Tandas, siya 19-taong gulang at sa kanyang edad ay malaki na ang kanyang nakamit na tagumpay. Sa kanyang edad, proud niyang ibinahagi na siya ay isa ng homeowner. Nakakamangha ang dalagang ito dahil doble ang kanyang kayod upang makapag-pundar lamang ng sariling bahay at lupa.

Source: Patricia Mae Tandas

Si Patricia ay isang estudyante sa umaga at call center sa gabi, minsan ay isa rin siyang tindera. Kuwento ni Patricia, noong una ay gusto lamang niya na makatulong sa kanyang pamilya at mabili ang anumang gustuhin niya. Pero habang tumatagal daw, nasasayangan siya sa mga gastos niya sa kaniyang luho. Kaya naman ang kanyang pera ay inipon na niya at inilaan sa mga bagay na magagamit na pangmatagalan.

Source: Patricia Mae Tandas

Ngunit, hindi inakala ng magulang ni Patricia na bahay pala ang tinutukoy ng kanilang anak na “magagamit nila in the long run.” Naisip kasi ni Patricia na paggastusan na lamang ang pagkakaroon nila ng sariling bahay habang mura pa ito dahil alam niyang tumataas ang value nito bawat taon.

Source: Patricia Mae Tandas

Sa kasalukuyan si Patricia ay isang Psychology student. Pinagsusumikapan niya ang kanyang pag-aaral upang siya ay makapagtapos. Patuloy pa rin ang kanyang pagiging isang working student dahil gusto niyang matulungan pa rin ang kanyang pamilya kahit na mayroon na siyang na-invest.

Source: Patricia Mae Tandas

Ibinahagi niya sa social media ang kanyang kwento, upang maging inspirasyon sa lahat ng maraming kabataan na nagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap. At upang iparating din sa kapwa niya kabataan, na habang bata pa ay mas pagtuunan ng pansin ang mga bagay na magiging kapaki-pakinabang sa hinaharap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Dalagang Nagcelebrate Ng Kanyang 18th Birthday, Nakatanggap Ng Php118,000 Blue Bills

Amang Fishball Vendor Nagsumikap Upang Mapagtapos Ang Apat Niyang Anak Sa Kolehiyo