in ,

LoveLove LOLLOL

Bea Alonzo, Ipinakita Ang First Time Na Pagharvest Ng Mga Gulay Sa Kanyang Napakalawak Na Farm Sa Zambales

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karamihan sa atin ay nag-iimpok ng kayamanan ngunit hindi nga lang sa bangko kundi sa lupa. Ang magkaroon ng malawak na kabukiran sa probinsya ay isang napakagandang paraan ng pagnenegosyo at nakakapagbigay ng kapayapaan lalo na at kung ang trabaho mo ay sa Manila.

Source: Bea Alonzo Vlog

Mainam ang piniling desisyon ng aktres na si Bea Alonzo naiinvest ang kaniyang kinikitang pera mula sa dugo’t pawis niya katulad na lamang ng kaniyang mga endorsement, mga proyekto, at iba pa para bumili ng napakalaking lupain na pinangalanan niyang Beati Firma sa Zambales.

Source: Bea Alonzo Vlog

Nariyan ang mga tanim na mangga na kung saan ay ipinasilip ng aktres na si Bea. Marami ang na-inspire na netizen sa kaniya. At hindi lang iyon, mayroon din itong fishpond at mayroon ding iba’t ibang alagang hayop sa nasabing farm. At kung pagmamasdan din natin maraming namumungang puno na talagang organic at walang halong kemikal. Napakataba at busiksik sa protina kaya’t makikita ang sustansiya.

Source: Bea Alonzo Vlog

May naisipan rin ang aktres na magkaroon ng bagong proyekto para sa kanyang Beati Firma Farm na ibinahagi sa kaniyang youtube vlog. Tinagurian niya rin itong “Mary’s Secret Garden” dahil narito ang mga gulay na pananim ng kaniyang ina na si Mary sa Vegetable garden.

Source: Bea Alonzo Vlog

Ibinahagi naman niya sa nasabing vlog doon sa secret garden ng kaniyang ina ang paghaharvest ng mga pananim na gulay. At mamamasdan natin ang ilang mga pananim na gulay sa nasabing garden na gaya na lamang ng sitaw, talong, mais, at okra.

Source: Bea Alonzo Vlog

Nag-uumapaw ang kagalakan sa puso ni Bea habang pinipitas ang sitaw at talong. Batay kay Bea, maraming protina na talagang ang mga gulay at prutas ay malaking kahalagahan sa ating katawan. Masustansiya ang kanilang kinakain dahil bagong ani pa ang mga ito at nakakatipid din at nasisiguro nila na purong organic ang ginagamit dito. Makulay na sustansiya na magsusupurta sa ating katawan.

Source: Bea Alonzo Vlog
Source: Bea Alonzo Vlog

Malaki rin ang naitutulong para kay Bea na magkaroon ng sariling garden dahil sa maganda nitong benepisyo kaya’t hinihimok niya ang mga netizen na gumawa ng ganitong garden sa kanilang mga bahay upang hindi sila mahirapan na bumili sa palengke at makakatipid din sila sa gastos kung kaya’t ang pakinabang talaga nito sa atin ay malaki gayundin din sa ating kalusugan.

Source: Bea Alonzo Vlog

Samantala, habang aliw na aliw si Bea sa pamimitas ng mga gulay ay siya namang pagbuhos ng ulan kung kaya ay nahinto ang pagha-harvest nito. Datapwa’t, hindi niya inalintana ang biglaang pagbuhos ng ulan bagaman hindi na natuloy ang pamimitas nito bagkus ipinagpatuloy niya ang naturang vlog. Ipinakita niya ang family bonding ng kaniyang pamilya na halata ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ivana Alawi, Nais Umanong Makita ng Prinsipe Ng Brunei

Tatlong Dalagang Matalik Na Magkakaibigan, Nakamit Ang Kanilang “BFF Goals” Na Sabay-Sabay Silang Maging Lisensiyadong Doctor