in

Kauna-unahang Big Bike Ni Coco Martin, Regalo Ni Dawn Zulueta Sa Kanya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang kilala na sa showbiz si Rodel Pacheco Nacianceno o “Coco Martin”. Aktor, Direktor, at Film producer ang mga naging gampanin nya sa showbiz. Ilan lamang sa mga obra nito ay, “Minsan Lang Kita Iibigin”, “Walang Hanggan”, “Ikaw Lamang”, “Juan Dela Cruz” at “FPJ’s: Ang Probinsyano”.

Source: Google

Marami ang humahanga kay Coco hindi lamang sa good looks nito kundi dahil na rin sa talento nito sa pag-arte. Tunay na marangya na ang buhay ni Coco, pero ang lahat ng ito ay kanyang narating at pinaghirapan dahil sa nakaraan nito.

Source: Facebook

Maagang namulat si Coco sa kahirapan sa buhay. Hindi ito pinanganak ng mayaman at may pagkain palagi sa hapag kainan. Natuto itong magmaneho ng tricycle nang 16 anyos at namamasada kada pagkatapos ng klase. Sa halip na gumawa ng takdang aralin ay sinisikap muna ni Coco kumita bago magdilim. Nais nitong makatulong sa pamilya, at ang kanyang ama at lolo ay pamamasada din ang pamamaraan upang kumita.

Source: Facebook

Sa kabila ng pagpupursige ni Coco ay naabot din nito ang matamis na tagumpay. Sumali ito sa Star Circle Quest, na siyang naging daan nito sa showbiz. Paunti-unti ay nabibigyan ito ng proyekto at ginagawa nito ang lahat ng makakaya, hindi naman nagtagal ay tinanghal na itong, “Kapamilya Primetime King”. Sa kabila ng mga pagsubok nito sa buhay ay nagawa nito itong malampasan ay ngayon ay isa na sa pinakamatagumpay na celebrity sa bansa.

Source: Facebook

Sa kanyang pag-unlad ay kasama ang kanyang pamilya. Binilhan niya ito ng tatlong bagong tricycle at jeep. Di rin tumagal ay nahiligan ni Coco mangolekta ng luxury cars at inamin ng aktor na ang kanyang kauna-unahang big bike ay regalo mula sa sikat na aktres. Ito ay walang iba kundi si Dawn Zulueta.

Naging magkatrabaho ang dalawa sa taping ng “Walang Hanggan”. Dito naging malapit sila, at bilang regalo sa kanyang kaarawan ay ibinigay ni Dawn ang big bike.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naaalala Niyo Pa Ba Si Karen De Los Reyes Ng Patalastas Ng McDo, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Bilang Isang Single Mom

Ivana Alawi, Nais Umanong Makita ng Prinsipe Ng Brunei