in

LoveLove

Nagsimula Sa Natanggap Na Christmas Gift Noong Musmos Pa Lamang, Nauwi Sa Pag-iibigan Ng Isang Pinay At Isang Amerikano

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naniniwala ka ba sa tadhana?

Nagsimula sa kawanggawa ang nakakakilig na magkasintahan na ito. Isang organisasyon sa Amerika ang naglungsad ng proyekto na ‘Samaritan’s Purse’ kung saan ay isang box ito na puno ng regalo mula sa mga kabataang Amerikano.

Source: Fox News

Dadalhin naman ang box sa Pilipinas upang ipamigay sa mga mahihirap ba kabataang Pinoy. At isang Pilipinong batang babae ang walang kamalay-malay na ito na pala ang simula ng kanyang love story.

Source: Tyrel Wolfe

Tila mula sa isang pelikula ang love story na ito. Noong 2000, napagpasyahan ng batang si Tyrel Wolfe na makiisa sa ‘Samaritan’s Purse’ upang makatulong sa mga kapwa bata na tulad nya, ngunit hirap sa buhay. Isinama nito sa kanyang regalo ang kanyang litrato, pangalan at address sa likod. Bumyahe ng milya milya ang regalo ni Tyler ay natanggap naman ito ng batang si Joana.

Source: Fox 9 News

Lubos na ikinatuwa ni Joana ang regalo kaya naman ay nais nitong magpasalamat kay Tyler. Sumulat ito ng liham at ipinadala sa Amerika subalit hindi pala ito natanggap ni Tyler. Hindi na rin bago ang ganitong pangyayari dahil madalas nawawala ang mga sulat noon.

Source: Fox 9 News

Kalaunan, kasabay ng pagsikat ng Facebook, ay naisipan ni Joana hanapin si Tyler dito. Tandang tanda pa nito ang pangalan ng batang may mabuting loob na nagbigay sa kanya ng regalo taon man ang nakalipas. Nagsend ng friend request si Joana, at hindi naman ito pinansin ni Tyler. Umabot pa ng buwan nang tanggapin ni Tyler ang friend request.

Source: Fox 9 News

Nagsimula sa kamustahan, hanggang sa madalas na silang nag-uusap at naging magkaibigan. Pagkaraan ng ilang buwan ay nadevelop pa ang kanilang relasyon at nauwi sa pag-iibigan. Pumunta si Tyler ng Pilipinas upang bisitahin si Joana, at dito nila narealize na mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Source: Tyrel Wolfe

Naniniwala ang dalawa na tunay na tinadhana silang dalawa at hindi lamang nagsimula sa simpleng pagkakakilanlan sa internet ang kanilang pagmamahalan.

Source: Tyrel Wolfe

Gumawa umano ang tadhana ng paraan na mahanap ni Joana si Tyler upang tuluyan silang magkakilala.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Service Crew Ng Jollibee, Hinangaan Ng Pakainin at Tulungan Ang Isang Taong May Kapansanan Na Pasilip-silip Lamang Sa FastFood Restaurant

Naaalala Niyo Pa Ba Si Karen De Los Reyes Ng Patalastas Ng McDo, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Bilang Isang Single Mom