in

LoveLove CuteCute CryCry OMGOMG LOLLOL

Service Crew Ng Jollibee, Hinangaan Ng Pakainin at Tulungan Ang Isang Taong May Kapansanan Na Pasilip-silip Lamang Sa FastFood Restaurant

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kaagaw-agaw pansin nga ang ginawa ng isang binatang service crew ng isang fastfood chain mula ng alalayan at pakainin ang isang may kapansanang lalaki dahil sa ito’y gutom na gutom na. Ang service crew na lalaki ay tapos na sa kaniyang gawain at balak na sanang umuwi ng mga oras na iyon ngunit napansin niya ang nakaupong lalaki sa loob ng fastfood chain na kaniyang pinagtatrabahuan.

Naramdaman ng service crew na mukhang sabik na sabik kumain ngunit siya lamang ay tumitingin sa mga taong kumakain at dahil wala itong pera kung kaya’t hindi ito bumibili, ayon sa social media post. Kung kaya’t hindi nag-alinlangan ang service crew na tumungo at tinanong kung siya ba ay kumain na.

Source: Heaven Scents

Doon niya lamang nahinunaha na hindi pa kumakain ang lalaki at dahil wala itong pera kung kaya’t hindi makabili. Yaon, sa kalagayan ng lalaki naawa ang service crew kahit na ganito man ang kanilang estado ay hindi nag-atubili na bilhan ng makakain ang lalaki gamit ang kaniyang pera at saka ibinigay sa lalaking may kapansanan. Datapwa’t, hindi maayos na maigalaw ang kamay ng lalaki na nagpapahirap sa kaniyang pagkain dahil sa meron itong kapansanan.

Sabi naman ng service crew dito, “Ako na po ang magsusubo sa inyo upang makakain kayo ng maayos.” Labis naman ang tuwa ng lalaki dahil sa ginintuang puso ng service crew na siyang tumulong sa kaniya. Ang kaganapang ito ay nakuhanan ng larawan ng isang netizen na noon pala ay nakasulyap sa pwesto ng dalawa at nakikinig sa service crew. Ang idea ng netizen na ito nakuhanan at naibahagi sa social media dahil nainspire at napahanga ito sa ipinakitang kabutihang loob ng naturang service crew.

Source: Heaven Scents

Sa nakalipas ring iyon ay mabilis na lumaganap o nagviral ang naturang larawan sa social media at umani ng magaganda at positibong komento mula sa mga netizens. Ilan lang sa kanila ay nagpakita ng paghanga para sa service crew at walang pag-aalinlangang tinulungan ang lalaki. Ang ilang komento ay narito mula sa mga netizens:

“Blessing that you never have imagine are awaiting for you. You will bump on them sooner or later po. Godbless po Mr.Crew.”

“Grabe nakakaiyak madami pa talagang tao na may mabuting puso sa kabila ng lahat.i salute u sir 😍😍😍 salamat sa mabuting gawain na pinakita mo na walang kapalit……”

“Ang bait mo naman saludo ako sa mga ganyang tao hindi naghihinayang para makatulong sa kapwa maganda ang pagpapalaki ng magulang mo sayo god bless keep safe.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Dating Pulubi, Nagtapos Bilang Honor Student At Nakapasa Sa Entrance Exam Ng UP, Ateneo at La Salle

Nagsimula Sa Natanggap Na Christmas Gift Noong Musmos Pa Lamang, Nauwi Sa Pag-iibigan Ng Isang Pinay At Isang Amerikano