in

Isang Dating Pulubi, Nagtapos Bilang Honor Student At Nakapasa Sa Entrance Exam Ng UP, Ateneo at La Salle

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang bawat kabataan ay may kanya-kanyang kwento ang pangarap. At sa pag-abot sa pangarap ay walang impossible. Katulad ng isang estudyante na nagmula sa walang-wala sa buhay. Ngunit ang kanyang kakayahan at katalinuhan ang kanyang naging puhunan upang maging daan patungo sa kanyang minimithing pangarap.

Ito ang kwento ng estudyanteng si Eugene Dela Cruz na naninirahan sa Hilongos Leyte. Siya ang kauna-unahang senior high school student na nakakamit ng mataas na marka sa Hilongos Vocational School sa kanilang naging virtual graduation.

Source: KMJS

Maabilidad din si Eugene, para kumita ay tumatanggap siya ng mga tutorial. Ngunit, sa likod ng buhay ngayon ni Eugene bilang isang magaling at mahusay na estudyante ay isang dating pulubi.

Ang kwentong ito ay ipinalabas sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”. Ayon sa kwento ni Eugene, 5-taong gulang pa lamang siya ng naghiwalay ang kanyang mga magulang kaya siya ay naihabilin sa kanyang Lola. Sa piling ng kanyang Lola, hindi niya aakalain na makakaranas siya ng masakit na pangyayari sa kanyang buhay.

Source: KMJS

Siya ay napalayas sa pangangalaga ng kanyang Lola dahil na rin sa kanyang tunay na kasarian, kaya si Eugene ay napaalis sa bahay ng kanyang Lola na walang anumang dala kahit pisong barya. Kaya napilitan siyang mamuhay sa kalye, naging palaboy, natutulog sa ilalim ng tulay at sa gilid ng riles.

Source: KMJS

Upang mabuhay natutong mamalimos si Eugene, kung saan ang bawat pisong kanyang natatanggap ay ibinibili niya ng pandesal na kanyang pagkain simula umaga hanggang gabi. Ang pagiging palaboy noon ni Eugene ay nasaksihan ng kanyang kaibigan na si Pao Velasco, dito ikinuwento ni Pao kung paano niya nakilala si Eugene sa kalye.

Source: KMJS

Matapos ang 3 taon, natagpuan si Eugene ng kanyang ama at dinala siya sa Hilongos Leyte hanggang siya ay nakapag-aral  na dito. Samantala, ang kanyang ama naman ay lumipat ng Bicol at iniwan siya sa kapatid ng kanyang madrasta.

Ayon kay Elsa Pilongo ang nag-aalaga at itinuturing ngayon ni Eugene na ina. Ayaw daw sana niyang tanggapin si Eugene nang iwan ito sa kanya dahil wala nga silang pangtustos, ngunit dahil naawa siya kalagayan ni Eugene kaya kinukupkop niya na lamang ito.

Source: KMJS

Pangarap ni Eugene ang maging isang abogado kaya naman dumidiskarte siya sa buhay upang matustusan ang kailangan niyang laptop sa pagpasok niya sa Ateneo University. Dahil sa kagustuhan niyang makabili ng laptop siya ay nag-ipon kaya lang nai-scam ang kanyang perang naipon. Kaya dahil dito, muli siya ngayong humihingi ng tulong na piso-pisong barya sa social media para maipagpatuloy ang kanyang pangarap.

Sabi nga nila, hindi natutulog ang Diyos lalo na sa mga taong nananampalataya sa kanya. Ang pamunuan ng Leyte ay dininig ang panawagan ni Eugene kaya naisakatuparan ang pagkakaroon niya ng laptop na kanyang gagamitin upang maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Hindi na niya kailangan pang muling mamalimos o tumigil sa pag-aaral upang maghanapbuhay dahil ang kanyang pangarap ay unti-unti na niyang makakamit.

Source: KMJS

Sinong mag-aakalang ang dating pulubi at palaboy sa kalye ay magiging top sa klase at nakapasa pa sa entrance exam ng University of the Philippines, La Salle at Ateneo. Naranasan pang ma-scam pero hindi tumigil sa kanyang determinasyon na maaabot niya ang kanyang tagumpay gamit ang kanyang talino at kakayahan.

Tunay ngang isang inspirasyon ang kwentong ito ni Eugene na kahit anupaman a ng pinagdaanan sa buhay, matuto lang manalig at magtiwala na lahat ng bagay ay magkakaroon ng katuparan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Simpleng Sorpresa Para Ng Isang Bata Para Sa Kaarawan Ng Kanyang Lolo, Nagpaantig Sa Netizens

Service Crew Ng Jollibee, Hinangaan Ng Pakainin at Tulungan Ang Isang Taong May Kapansanan Na Pasilip-silip Lamang Sa FastFood Restaurant