in

LoveLove

Simpleng Sorpresa Para Ng Isang Bata Para Sa Kaarawan Ng Kanyang Lolo, Nagpaantig Sa Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagkakaroon ng isang kaarawan ay isa sa masasayang alaala ng bawat tao sa mundo. Karamihan sa mga tao ay nagdiriwang ng kanilang kaarawan na may simple lamang ng handaan at mayroon din namang magarbong pagdiriwang. Ngunit ang tunay na kahalagahan ng pagdiriwang ng kaarawan ay ang makasama ang pamilya sa masayang araw ng ating buhay.

Source: Geraldine Tudtud

Isa din sa masayang karanasan sa buhay ay kapag may mga taong naghahanda sa atin ng sorpresa. Kagaya ng isang nakakaaliw na batang ito na nag-atubiling bigyan ng sorpresa ang kanyang Lolo na magdiriwang ng kaarawan.

Source: Geraldine Tudtud

Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Geraldine Tudtud sa kanyang facebook account. Ibinahagi niya ang larawan ng kanyang mga anak kasama ang Lolo ng mga ito na si Lolo Medardo. Ang kanilang Lolo Medardo kasi ay nagdiwang ng kanyang kaarawan kaya naman ang kanyang mga apo ay talagang naghanda ng kanilang sorpresa kahit Php20 lamang ang laman ng kanilang bulsa. Ang mga batang ito ay bumili ng chocolate cupcake, ang gusto sana nila ay maregaluhan ang kanilang Lolo ng isang cake ngunit dahil wala naman silang pera kaya tanging chocolate cupcake lang ang kanilang naibigay.

Source: Geraldine Tudtud

Makikita sa larawan kung paano naman pinaghandaan ng mga bata ang kanilang sorpresa. Mababakas naman sa mukha ng kanilang Lolo kung gaano ito kasaya sa ginawang sorpresa sa kanya ng kanyang mga apo.

Source: Geraldine Tudtud

Sa mura nilang edad marunong na sila kung paano nila pasasayahin ang kanilang Lolo. Kahit na alam nilang wala silang sapat na kakayahan upang makabili ng mas malaking cake na pwedeng pagsaluhan nilang magpamilya, ay talagang gumawa sila ng paraan upang kahit sa simpleng paraan lang ay magawa nilang mapasaya ang kanilang Lolo sa kaarawan nito.

Source: Geraldine Tudtud

Nakaka-inspired ang mga pagmamahal ng mga batang ito sa kanilang Lolo. Kahit sa maliit na paraan ay nagawa nilang iparamdam sa kanilang Lolo kung gaano ito kahalaga sa kanila.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Hindi Akalain Ng Couple Na Ito Nang Umabot Na Pala Sa 1M Ang Naipon Nilang Pera

Isang Dating Pulubi, Nagtapos Bilang Honor Student At Nakapasa Sa Entrance Exam Ng UP, Ateneo at La Salle