in

OMGOMG LoveLove CuteCute CryCry

Hindi Akalain Ng Couple Na Ito Nang Umabot Na Pala Sa 1M Ang Naipon Nilang Pera

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa pinakaimportanteng matutunan ng isang tao ay ang mag-ipon. Karamihan sa atin ay tinuturuan kumayod ay magtrabaho upang kumita ng pera subalit hindi madalas naituturo ang kahalagahan ng pag-iipon.

Lalo na sa pagdating ng matinding pangangailangan ay tiyak na makakatulong ang inipon na pera o kaya naman ay para may magamit bilang puhunan sa negosyo. Sa ganitong paraan ay mas mapapalago pa natin ito.

Source: Yona Abela

Kung minsan ay mahirap disiplinahin ang sarili sa pag-iipon, lalo na kung mayroon tayong inaasam na bagay. Kailangan natin tandaan na ang mga ito ay luho lamang at kailangan natin bigyan ng priority ang pag-iipon. Sa katunayan, ay mayroong magkasintahan na nagawang mag-ipon ng pera hanggang sa umabot ito ng P 1Million! Akalain mo yun?

Source: Yona Abela

Ang magkasintahan na si Yona Abela at Kit Cunanan ay abot langit ang tuwa nang malaman na umabot pala ng Milyon ang kanilang pera. Hindi lamang sila nakapokus sa pagpapalago ng kanilang nararamdaman sa isa’t isa kundi pati na rin sa pagpapalago ng inipon na pera. Napagdesisyunan umano nilang dalawa na sabay na magsikap na makaipon ng pera. Isa lamang ito sa kanilang ‘Relationship Goals’.

Source: Yona Abela

Ginawa nilang target amount ang P1 Million, at sa una ay talagang mapapaisip ka na malabo nga naman talaga ito maabot. Sinabayan nila ng pagpupursige at disiplina sa sarili ang kanilang planong pagiipon. Tiyak hindi naging madali ito sa magkasintahan pero nagawa nilang maabot ang kanilang goal.

Source: Yona Abela

Nais ng dalawa na nagsilbing inspirasyon na kayang makapagipon hanggang isang Milyon. Ang lahat ng plano sa buhay ay matutupad kung susundin lamang natin ito ng matiwasay. Isinama ng dalawa ang kanilang kwento sa mga ‘Ipon Challenge’ na uso ngayon sa social media. Mula sa mga sobra sobrang barya ay nagawa nilang maabot ang kanilang pinapangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Lugaw, Kinaawaan Dahil Halos Walang Bumibili Sa Kanya

Simpleng Sorpresa Para Ng Isang Bata Para Sa Kaarawan Ng Kanyang Lolo, Nagpaantig Sa Netizens