in ,

LoveLove CryCry

Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Lugaw, Kinaawaan Dahil Halos Walang Bumibili Sa Kanya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang buhay ay may mga sangkap at ito ay kahirapan, kayamanan, kasiyahan, kalungkutan at kapayapaan. At karamihan sa atin ay napapabilang sa iba’t ibang estado ng buhay na tinatawag na mayaman, sakto lang at mahirap. Nakakagaan sa pakiramdam kung sama-sama kayong pamilya, may tahanan na inuuwian, kumakain ng tatlong(3) beses sa isang araw, may mahihingian ng tulong kung ika’y walang wala at may gagabay sa bawat desisyon mo sa buhay at ikaw ay lubos na mapalad.

Samantala, kung ika’y mapalad meron ding hindi pinalad sa buhay, walang gagabay, walang mahihingian ng tulong, walang mauuwian at hikahos sa buhay. Isang lolo ang nagbebenta ng lugaw para kumita para sa pang araw-araw niya at sa kaniyang kalagayan na ibinahagi ng isang netizen. Ang pangalan ng netizen na ito na siyang nagbahagi sa mga tao ay si Max Udomsak na taga Bangkok, Thailand.

Source: Max Udomsak

Datapwa’t kumikita lamang ng 34 pesos ang matanda sa isang araw. Kagaya nito nakakabenta lamang siya sa halagang 34 pesos at kung may kasama pa itong itlog ay nasa halagang 40 pesos. Nasa mahigit ilang oras ang inaabot bago makabenta si lolo minsan pa nga daw ay matumal ang benta dahil sa estado ng kaniyang pwesto ay walang gustong bumili.

Source: Max Udomsak

Sa kadahilanang nasunog noon ang kaniyang bahay kung kaya’t ni walang masilungan at ang tinitirhan ni lolo ay ang abandonadong bahay. Hindi na kaya ni lolong umupa o kumuha ng bahay dahil sa kakulangan ng pera at siya ay nag-iisa na lamang sa buhay, walang katulong sa buhay at wala ring tumutulong sa kaniya ngunit gumawa siya ng kaniyang masisilungan upang hindi rin siya mabasa kapag umuulan upang komportable sa kaniyang pagtulog at magsilbing harang kung gayon ay ginamitan ng materyales na tarpaulin upang magkaroon siya ng tahanan.

Source: Max Udomsak

Gumigising si lolo ng alas tres ng madaling araw para simulan ang pagtitinda ng lugaw hanggang sa sumapit ang gabi. Meron namang bumibili kay lolo ngunit talagang madalas ay wala. May mabubuting netizen ang nagbahagi ng litrato ni lolo para makatulong sa kaniyang paninda at marami ang tumulong rito.

Source: Max Udomsak

Tunay na masarap nga daw ang lugaw ng matanda at hindi nga raw sa naaawa kundi totoong masarap talaga. Ang iba nga raw ay nagbibisita sa paninda ni lolo upang kumain ng lugaw at marami rin ang nagbahagi ng tulong sa matanda dahil ito sa post ni Max.

Source: Max Udomsak

Hindi batayan kung saang estado ng buhay ka napapabilang bagkus magpatuloy lang at magbahaginan tayo ng tulong sa mas nangangailangan kagaya na lamang ni Lolo. Bigyan natin ang bawat isa ng ngiti sa labi upang kahit anong hirap ay makakayanan natin ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mag-asawa Naging Milyonaryo Sa Puhunan Na 100 Pesos Lamang

Hindi Akalain Ng Couple Na Ito Nang Umabot Na Pala Sa 1M Ang Naipon Nilang Pera