in

Mag-asawa Naging Milyonaryo Sa Puhunan Na 100 Pesos Lamang

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karaniwan sa ating mga Pilipino ay mapamaraan, isa rin ito para magkaroon ng pagkakakitaan ay pangkabuhayan. Malaya tayong mangarap kung ito’y may kaakibat na gawa at kahinahunan, may panahon para sa atin. Ito’y mga sangkap rin upang matupad ang ating tagumpay ay ang pagsisikap sapagkat ang mga bagay na ating hinahangad ay makukuha lamang natin kung ito’y paghihirapan at pagsusumikapan.

May mga pagkakataon talaga na sinusubok tayo upang maging matatag at magkaroon ng determinasyon upang mabuhay. Ang buhay ay tulad ng isang binhi na kailangan mong alagaan, diligan at palaguin upang sa pagsibol nito ay maraming bunga ang aanihin at kakainin. Hindi sayang ang ating pagtitiyaga kung meron naman tayong makukuhang ani. Samantala, marami na tayong mga kwentong nababasa patungkol sa mga maunlad na ngayong mga tao dahil sa kanilang pasusumikap at pasyon sa buhay. Narito ang kwento ng mag-asawang sina Reynante at Raquel Manimtim na ngayon ay matagumpay na.

Source: Jessica Soho

Sa halagang P100 na puhunan natamo ng mag-asawang ito na palaguin at kasalukuyang kumikita ng P50,000 kada araw. Noong araw ay isa lamang silang empleyado ng restaurant at kumikita sila ng sapat para sa kanilang pang-araw araw. Ito’y ayon sa kwento ng mag-asawa.

Minsan pa ay may lumapit sa kanila upang alukin ng bahay at lupa na maaari nilang bayaran ng hulugan, dugtong pa ng mag-asawa. Ito’y tinanggap agad ng mag-asawa at matapos na nila itong hulog hulagan ay dagli silang tumigil sa patatrabaho at nagsimula ng mumunting negosyo. Gamit ang halagang P100 bilang puhunan, kada araw ay kumikita ang mag-asawa sa halagang P150.

Source: Jessica Soho

At sa tingin ng couple na ito na kulang sa kanilang pang-araw araw kaya’t napagdedisyunan na dagdagan ang pagkaing ititinda upang lumago rin ang kanilang kita. Ang mag-asawa ay nag-isip ng pagkain na tiyak na papatok sa mga pinoy at ito ay siomai. At itong siomai pala ang magbibigay sa kanila ng kaginhawaan at tagumpay. Itinuon ng mag-asawa ang patitinda ng siomai at iniwan na ang naunang negosyo na banana cue dahil mabenta ang siomai at maraming bumibili rito.

Nagkaroon ang mag-asawa ng sapat na pera upang maipambili ng bisikleta na maaari nilang magamit sa paninda. Kaya naman nilagyan nila agad ng side car upang doon ilagay ang mga paninda.At dahil sa marami na silang suki, sa tulong ng isang suhestiyon mula sa isang suki, para maging mukhang presentable ang kanilang negosyo at paninda ay pwede silang umutang sa bangko ng motorsiklo.

Source: Jessica Soho

Dahil sa pag-unlad ng kanilang negosyo ay natapos na rin bayaran ang motorsiklo at dahil sa isa pa lang ang kanilang motorsiklo, naisip ng mag-asawa na bumili ng mas marami pang may side car na motorsiklo, at dito lumago ang kanilang pamumuhay dahil rin sa kanilang pamamaraan. Bagama’t noon ay kumikita lamang sila sa halagang P150 ngunit ngayon ay milyonaryo na ang mag-asawa at kada araw ay kumikita sila ng P50,000 sa kanilang panindang siomai.

Source: Jessica Soho

Hindi natin aakalain na ang ganitong panamaraan ay uunlad at lalago na siya namang ipinagpapasalamat ng mag-asawa sa kanilang biyayang natatamo at hindi lang iyon ang matagal na nilang nais maikasal sa simbahan ay natupad na.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Rider Ang Naawa At Nagpakyaw Ng Ibinebentang Ice Cream Ng Ice Cream Vendor Dahil Wala Itong Benta

Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Lugaw, Kinaawaan Dahil Halos Walang Bumibili Sa Kanya