in

Isang Rider Ang Naawa At Nagpakyaw Ng Ibinebentang Ice Cream Ng Ice Cream Vendor Dahil Wala Itong Benta

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang vlogger na rider ang kamakailan lang na nagviral dahil sa kanyang nadaanan na isang matandang ice cream vendor na wala pang benta kahit isa pa ng araw na iyon. Dahil sa nakitang kalagayan ng ice cream vendor kanya itong pinakyaw.

Siya ang vlogger rider na si Team Katagumpay, ayon sa kanya nadaanan niya umano ang matandang ice cream vendor na naglalako sa daan. Hinintuan siya ng vlogger dahil tila parang wala pa itong benta at wala pang bumibili sa kanya. Kaya naman nilapitan niya ito upang makausap, dito napansin ng vlogger na tila malungkot ang mukha ng matanda.

Sa tingin naman niya kaya ito parang malungkot dahil sa wala pa umano itong kita. Kaya naman naisipan niyang pasayahin ang matanda upang maibsan ang kalungkutan nito. Ngunit bago pa man niya gawin ang kanyang sorpresa sa matanda, biniro niya muna ito kung may ibinebenta pa itong kamote flavor na ice cream. Walang naging reaksyon ang matanda pero patuloy lang siya sa paghahanap ng iba pang flavor.

Nagbiro uli ang vlogger kung mayroon ba itong pakwan o pomelo flavor. Hanggang sa sinabi ng matanda na wala siyang ganoong flavor. Dito na nagsimula ang kanilang pag-uusap, napag-alaman pa ng vlogger na 71-taong gulang na pala ang ice cream vendor at hiwalay na ito sa kanyang asawa kaya naman namumuhay na lamang siyang mag-isa.

Tinanong ng vlogger kung ilan lahat ang kanyang itinitindang ice cream dahil bibilhin niya na lamang ang lahat ng ito. At sinabi naman ng matanda na ito nasa ay 40 piraso, ngunit ang matanda ay hindi agad naniwala sa sinabi ng vlogger na papakyawin niya ang lahat ng ito. Pinaliwanag naman ng vlogger, na ang kanyang papakyawin na paninda ay ang para ngayon at bukas. Maaari pa umano itong ibenta uli ng matanda upang dumoble pa kanyang kita.

Nang inabutan ng vlogger ang matanda ng isang Php1,000 napawi ang kanyang kalungkutan at napalitan ng ngiti sa mga labi nito. Umalis ang matanda na may labis na tuwa sa kanyang puso dahil hindi na siya malulungkot sa kanyang kikitain ng araw na iyon.

Sa post pa ni Team Katagumpayan, “Ikaw yung meron, Kailangan ka ng wala”. Ang vlogger na rider na ito ay nakilala dahil sa kanyang pagiging mapagbigay. Sa bawat taong kanyang dadaanan sa kalsada lalo na iyong mga hirap sa paghahanapbuhay ay kanyang tinutulungan. Kaya malaking tulong na sa iba ang kanyang kabutihang ginagawa dahil siya nagbibigay ng pag-asa sa bawat taong kanyang nadadaanan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Dayuhan Na Welshman Na Nanirahan Sa Pinas At Niloko Pinagpatuloy Pa Rin Ang Kanyang Pamumuhay Sa Pilipinas

Mag-asawa Naging Milyonaryo Sa Puhunan Na 100 Pesos Lamang