Kahanga-hanga ang storya ng isang banyagang taga-walis na taga United Kingdom matapos niyang magsikap upang ipagpatuloy ang buhay rito sa Pinas kahit na siya ay niloko at yon ang nagpaantig sa mga netizens. Pinasiya ng 28 taong gulang na si Anselm, isang Welshman na mamuhay na lam ang Pilipinas simula ng mapangasawa niya ang isang Filipina na taga-Davao City noong 2016. Katulad na lamang sa ibang Foreigners, naibigin na niya ang Pilipinas dahil sa nakakahalina at nakakaaliw ang ganda gayundin sa kultura.

Datapwa’t nitong pasiyang mamuhay sa bansa at unkol sa kaniyang kabaitan ay maraming mga Pinoy ang nagsamantala sa kaniya kaya’t ilang ulit na siyang nabiktima ng panloloko. Kahit na ganun ang nangyari minabuti niyang magpatuloy upang mabuhay ang kaniyang pamilya at may mapagkakakitaan, nakapag-isip si Anselm ng planong magnegosyo ng fishpond, kahit na wala siyang karanasan sa ganitong uri ng trabaho. Sinanay niya ng ilang buwan kung paano maghuli ng mga isda at kung paano niya ito maibebenta.

Pinag-aralan ni Anselm kung paano mamangka at ihanda ang mga kakailanganin sa fishpond. Sa kabutihang palad ay meron pang mabubuting tao naman daw ang tumulong sa kaniya. Tunay na marami na siyang natutunan sa pamumuhay ng mga pinoy dahil magaling na rin siyang magsalita ng Bisaya na siyang pinagpasalamat niya upang madali na niyang maibenta ang mga isda sa palengke.

At hindi lang ito, nanirahan din siya sa isang barong-barong kalapit ng kaniyang fishpond upang makatipid sa pagbibiyahe. Kahit na walang kuryente at walang pahinga gayundin sa pagtulog ay tiniis niya sa loob ng ilang buwan.
Marahil napapagdaanan ito ni Anselm, ngunit lahat ng pagod at tiyaga niya ay may kaakibat na tagumpay maging ang kaniyang negosyo’y uunlad at aani ng marami at sa kaniyang determinasyon tiyak na makakamit niya lahat ng ito.
Comments
Loading…