in

Isang Nakaka-inspired Na Kwento Ng Isang Binatang Naabot Ang Pangarap Niyang Bahay sa Halagang 10,000 Pesos Lamang

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lahat ng tao ay pinapangarap ang magkaroon ng isang sariling tahanan. Ito ang kongkretong bahay kung saan mabubuo ang masasayang alaala ng bawat isang miyembro ng pamilya. Sa panahon ngayon, hindi ganoon kadali ang magpagawa ng sariling bahay ngunit pinagsisikapan. Kahit simple mang bahay at hindi gaano kamahal basta’t may bubong na masisilungan ay swak na sa budget.

Kagaya na lamang ng kwento ng isang binatang kinilalang si Jeypee Gervacio. Ibinahagi ng binatang si Jeypee sa kanyang facebook account ang kanyang naging journey upang maisakatuparan ang kanyang pinangarap na sariling bahay. Kahit na ito ay nag-umpisa sa maliit na halaga isa na itong achievement para sa kanya.

Source: Jeypee Gervacio
Source: Jeypee Gervacio

Pinost ni Jeypee sa kanyang facebook ang mga larawan ng kanyang ipinagawang bahay simula sa umpisa ng paggawa nito hanggang sa maging kongkreto ito. Proud naman itong ibinahagi ni Jeypee kahit ito ay munting tahanan lang basta’t maituturing na kanya.

Source: Jeypee Gervacio
Source: Jeypee Gervacio

Ayon kay Jeypee, ang kanyang bahay ay ang kanya na ring hanapbuhay dahil nasa loob ng kanyang bahay ang negosyo niyang sari-sari store. Sa pagbabahagi ni Jeypee ng kanyang naabot na pangarap, halos Php10,000 lang ang kanyang nagastos sa pagpapagawa ng kanyang bahay at wala siyang ginastos sa labor para sa taong gagawa nito. Dahil ito ay tulong sa kanya ng mga taong kanyang natutulungan dahil na rin sa kanyang pagiging mabait, matulungin at marunong makisama sa kapwa kaya bumalik ito sa kanya ng may pagpapala.

Source: Jeypee Gervacio
Source: Jeypee Gervacio

Kahit na simple lamang ang loob at labas ng kanyang bahay, ito naman ay sumasalamin sa kanyang matinding pagsisikap upang mabigyang kulay ang pangarap niyang nabuo lamang sa kanyang isipan. Kaya ngayon, mas lalo pang pinagsisikapan ni Jeypee na makaluwag-luwag siya sa buhay upang mapalaki niya ang kanyang bahay sa tulong na rin ng pagtitiwala niya sa Diyos.

Source: Jeypee Gervacio
Source: Jeypee Gervacio
Source: Jeypee Gervacio

Basta’t ba laging may sipag at tiyaga walang imposible sa mga pangarap na nais maabot. Isa itong inspirasyon sa lahat ng tao na kahit simple at hindi magarbo ang bahay ang mahalaga ay ang taong nakatira. Isa itong patunay na kahit sa mumunting halaga ay kaya ng makagawa ng mga bagay na hindi na kinakailangan pang gumastos ng malaking halaga. Nagiging sulit ang pagiging praktikal sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Andi Eigenmann, Ibinenta Ang Ari-arian Dahil Plano Nitong Manatili Sa Kanilang Isla

Isang Dayuhan Na Welshman Na Nanirahan Sa Pinas At Niloko Pinagpatuloy Pa Rin Ang Kanyang Pamumuhay Sa Pilipinas