in

Bea Alonzo, Masayang Ibinahagi Ang Kanilang Naging Adventure sa Yosemite National Park Kasama Si Dominique Roque

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bago pa man magsimula si Bea sa kanyang unang proyekto sa Kapuso Network sila ay nagbakasyon muna kasama ang aktor na si Dominique Roque. Kaya naman celebrity-couple ay ibinahagi ang kanilang naging masaya at nakakakilig na bakasyon sa Los Angeles, California. Sa kanilang pananatili tila sinusulit ng dalawa ang kanilang masayang moments sa kagandahan ng lugar.

Source: Instagram

Sa mga larawan na kanilang ibinabahagi sa kani-kanilang mga Instagram account makikitang sweet na sweet at nag-enjoy ang aktres sa pagca-camping at hiking sa Yosemite National Park. Inamin ni Bea na hindi pa niya naranasan ang mag-camping noon kaya naman isang amazing experience para sa kanya maranasang matulog sa isang airstream.

Source: Dominic Roque’s IG

Saad pa ng aktres, “So, I went to see Yosemite for the first time, and stayed in an airstream I have never done camping before for some reason, and though I know staying in a nice airstream is so far from the usual camping.”

Source: Bea Alonzo’s Facebook Official page

Halos 3 araw silang nanatili sa Yosemite kaya naman talagang sinulit nila ang pamamalagi roon. Iba’t ibang activities ang sinubukan ni Bea tulad na lamang ang hiking at pag-eexplore sa bawat sulok ng lugar.

Ayon sa aktres ay nakakita sila ng batis matapos maghiking at natukso umano itong tumalon na lamang sa tubig kahit na walang baong na damit panligo. Ayon kay Bea, “I thought, I don’t know if this will be the last time I’ll ever have the chance to be in Yosemite and who knows when I can be with this fun group again, so what the heck, I’ll just do it! So, I did! And the water was freezing, but it was so refreshing! Sometimes, it’s nice not to overthink and just live in the moment.”

Source: Bea Alonzo’s Facebook Official page

Tunay na nag-enjoy si Bea sa kanilang trip subalit mas pinili nitong magtrabaho muna sa Pilipinas bago ang next adventure nito. Ayon sa aktres, “I’m already planning my next trip as I’m typing this. Pero matatagalan pa yung susunod, trabaho muna.”

Source: Bea Alonzo’s Facebook Official page

Kaya naman marami sa kanyang mga fans ang natuwa sa mga kwento nito sa kanyang trip sa U.S. at inaasahan na makikita muli ang aktres sa telebisyon kahit na isa na itong Kapuso.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Basahin Dito Ang Nakakakilig Na Lovestory Na Nagsimula Lamang Dahil Sa “Tabo”

Andi Eigenmann, Ibinenta Ang Ari-arian Dahil Plano Nitong Manatili Sa Kanilang Isla