in

Basahin Dito Ang Nakakakilig Na Lovestory Na Nagsimula Lamang Dahil Sa “Tabo”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang kwento ng pag-ibig, mayroong nakakakilig at nakakalungkot. Masarap nga naman talaga sa pakiramdam kung tayo ay may iniibig dahil ito ang inspirasyon natin sa ating buhay, at nagbibigay kulay minsan sa ating mundong nakakaranas ng kalungkutan. Ngunit ang bawat kwentong pagmamahal na ito ay may pinagmulan. Tunghayan natin ang kakaibang kwentong pag-ibig ng dahil lamang sa ‘Tabo’.

Ito ang kwento ng mag-asawang sina Rain at Jolo. Sampung taon na ang nakalilipas nang si Rain ay 21-taong gulang lamang nun nang siya ay magtungo sa Cebu City para magtrabaho bilang isang call-center agent. Siya ay taga Leyte at breadwinner siya ng kanilang pamilya kaya kinailangan niya noon ang magtrabaho. Laging inuuna ni Rain ang kanyang pamilya ni minsan hindi niya naging priyoridad ang pag-ibig dahil sa responsibilidad niya para sa kanyang pamilya.

Source: Brigada

Sa isang panayam ng Brigada ng GMA Public Affairs kay Rain, sinabi niyang naka-pokus siya sa kanyang pamilya dahil ang purpose niya sa pagpunta ng Cebu ay ang magtrabaho upang masuportahan ang mga ito at hindi siya naghahanap ng pag-ibig. Kahit naman na mayroon siyang ideal man na may mga katangian tulad na lamang ng pagiging maunawain, maalaga, at supportive.

Sabi pa ni Rain, “Hindi ako masyadong tumitingin sa pisikal na anyo. Bonus na lang iyon.” Kaya naman tila pinagbigyan si Rain ng tadhana, nang kanyang makilala si Jolo. Hindi aakalain ni Rain na ang lalaking nakatadhana sa kanya ay ang lalaking nasa kabilang pader lang ng kanyang nilipatang boarding house.

Pagkukwento niya, “Itong roommate ko kailangan naming maglinis dahil bagong lipat. Kailangan maglinis, walang tabo.” Binola pa raw siya ng kanyang roommate na mayroon silang kapitbahay na matangkad na modelong lalaki. Dahil na rin sa curiosity pinuntahan niya ang kanilang kapitbahay upang manghiram ng tabo at sa kanya ngang pagkatok ay pinagbuksan siya ng pinto ni Jolo, sa sandaling iyon pumasok agad sa isip ni Rain na siya nagwapuhan kay Jolo.

Source: Google/Blogger

Nagustuhan raw agad ni Rain si Jolo, pero hindi niya lang ito pinahahalata. Sa pagbalik niya sa kanilang kwarto, agad naman niyang ikinuwento ni Rain sa kanyang ka-roommate na wala naman ang sinasabi nitong matangkad na lalaki, pero pinagbuksan daw siya ng pinto ng isang guwapong lalaki.

Sa kabilang banda, mukhang nabighani rin si Jolo nang masilayan niya si Rain. Si Jolo nama ay tubong Lapu-Lapu City at nagtatrabaho ngayon bilang isang medical ancillary staff member sa isang ospital sa Cebu. Ayon naman sa kwento ni Jolo, nagulat naman daw siya ng pagbuksan niya ng pinto si Rain, dahil may pagkakahawig si Rain kay Miss Universe Leila Lopes ng Angola na kasalukuyan niyang pinapanood ng mga oras na iyon ang pagkapanalo nito. Kaya naman nagbighani rin siya sa kagandahan ni Rain kaya agad din siyang nagkagusto kay Rain.

Source: Instagram SC

Bagamat nabighani sila sa isa’t isa sa una nilang pagkikita, pareho rin silang nakaramdam ng inis sa isa’t isa. Dahil ayon kay Rain medyo pasungit daw ang pagkakabigay sa kanya ni Jolo ng tabo na parang ayaw nitong magpahiram. Sa panig naman ni Jolo, hindi raw kasi nagpakilala si Rain nang siya ay naghiram ng tabo basta lang ito kumatok at nanghiram.

Hanggang ang panghihiram ni Rain ng tabo ay naulit ng maraming beses. At humantong na ito sa pagpapakilala nila sa isa’t isa at hanggang sa nagkapalagayan sila ng loob.

Sabi pa ni Jolo, mahilig daw pumunta si Rain sa kanilang kwarto at nanghihiram lang ng kung anu-ano. Sa puntong iyon nakahanap ng pagkakataon si Jolo at gumawa ng first move sa dalaga.

Source: Jolo

Kwento niya, nanghihiram noon si Rain ng payong dahil umuulan kaya naman ito ang naging pagkakataon ni Jolo upang makasama ang dalaga. Pinahihiram niya ng payong si Rain ngunit siya ang naghahatid sa dalaga papuntang trabaho bilang kondisyon ng kanyang pagpapahiram. Kalaunan ay nagtapat rin si Jolo ng kanyang pagkagusto kay Rain.

Laking tuwa na lang ng dalaga sa kanyang nalaman dahil matagal na rin daw siyang may gusto sa binata kahit noong una silang nagkita. Kaya naman hindi rin makapaniwala si Rain sa naging pagtatapat sa kanya ni Jolo. Pagiging responsableng anak ni Rain ang nagustuhan sa kanya ni Jolo. Malaking bagay daw kay Jolo ang pagiging family-oriented ni Rain dahil siya ay galing sa broken family.

Ayaw naman ni Jolo na maranasan ng kanyang magiging pamilya ang naranasan niyang broken family. Naging magkarelasyon ang dalawa hanggang sa tuluyan na silang magsama sa iisang buong. At nito ngang Hunyo lang, sila ay ikinasal sa civil pagkatapos ng siyam na taong pagsasama at ipinagbubuntis na ni Rain ang kanilang pangatlong anak.

Lubos naman ang pasasalamat ni Jolo sa nangyaring panghihiram ng tabo sa kanya ni Rain noon. “Thankful ko po na nangyari yung ganong sitwasyon, yung nanghiram siya sa akin,” sabi pa ni Jolo.

Ang kanilang lovestory na nagsimula sa tabo, ay mapapa sana-all na lang ang mga netizens.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Babae Ang Naging Basurera Noon, Ang Nakakuha Ng Full Scholarship Sa Bansang Australia

Bea Alonzo, Masayang Ibinahagi Ang Kanilang Naging Adventure sa Yosemite National Park Kasama Si Dominique Roque