in

Isang Babae Ang Naging Basurera Noon, Ang Nakakuha Ng Full Scholarship Sa Bansang Australia

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay marami ang mga batang hindi nararanasan ang makapag-aral kaya sa mura nilang edad ay napipilitan silang maghanapbuhay para lang makatulong sa kanilang mga magulang. Kaya maswerte pa rin ang ibang mga bata na nagkakaroon ng oportunidad na makapag-aral.

Narito ang isang kwento na talaga nga namang kapupulutan ng aral. Ito ang kwento ng isang babae na simula bata ay naging isang basurera upang makatulong sa kanyang pamilya. Ngunit ang kanyang buhay ay biglang nagbago nang mabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral na siyang nakatulong sa kanya upang ang kanyang pamilya ay makaahon sa kahirapan.

Source: Google

Kilalanin natin si Sophy Ron, siya ng kanyang pamilya ay naninirahan lamang sa tambakan ng basura at sa murang edad ay maaga itong naharap sa kahirapan ng buhay. Maaga siyang nagbanat ng buto upang siya makapag-aral. Nagsimulang magbago ang kanyang buhay nang mayroong isang lalaki ang lumapit sa kanya at tinanong siya kung gusto ba nitong makapag-aral.

“He asked me whether I wanted to study English, and at that time I had no idea what English was, I ran home feeling happy because he promised he would take me to school,” pagkukwento ni Sophy.
Kaya naman ngayon sinong mag-aakala na ang isang dating batang basurera ang makakapagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa bilang isang valedictorian at nakatanggap pa ng full scholarship mula sa University of Melbourne, Australia.

Source: Google

“I didn’t realise it was smelly, I didn’t realise it was dirty, I slept there, I ate there, I did everything there, so it became my home.” ayon pa kay Sophy
Tinulungan din si Sophy ng Cambodian Children’s Fund o CCF upang makapagtuloy siya sa pag-aaral kung kaya naman ginawa niya itong oportunidad upang makapag-tapos at maging isang valedictorian sa kanilang paaralan. Sa kanyang naging public speaking sa araw ng kanyang pagtatapos bilang isang valedictorian kitang-kita ang pagiging matalino ni Sophy lalo na sa pagsasalita ng Ingles.

Source: Sophy Ron Ig

Sa kabila ng lahat na kanyang natanggap na mga parangal, hindi pa rin nakakalimutan ni Sophy ang kanyang pinagmulan. Kaya nais niyang makasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya bago siya lumipad patungong Australia upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Source : Sophy Ron IG

Ang kwentong ito ni Sophy ay isang nakakamanghang pangyayari sa kanyang buhay at sana’y matagumpay niyang marating ang kanyang mga pangarap sa buhay. Ito ay patunay lamang na kailanman ay hindi hadlang ang kahirapan sa buhay upang maabot ang ating mga pangarap. Isa itong inspirasyon sa mga kabataan na huwag basta susuko sa mga hamon ng buhay basta’t para sa pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Kuung Bakit Tinanggihan Ng Isang Inang Balut Vendor Ang Inihandog Sa Kanya Ng Kanyang Anak Na Bagong House And Lot

Basahin Dito Ang Nakakakilig Na Lovestory Na Nagsimula Lamang Dahil Sa “Tabo”