Ang karamihan sa atin ay nagsusuot ng corporal attire ngunit nakatira lamang sa simpleng tahanan. Ipagpapalit mo ba ang simple mong tahanan kung saan nabuo ang mga magagandang alaala ng nakalipas sa isang bago at marangyang bahay?
Tunghayan natin ang kwento ng isang inang balut vendor na binigyan ng kanyang anak ng isang bagong house and lot. Ang kwentong ito ay ipinalabas sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Siya ang nakilalang si Nanay Amelia Madriaga 62-taong gulang na taga Urdaneta City. Sa araw-araw na buhay ni Nanay Amelia tanging pagbebenta lamang ng balut ang kanyang nakamulatan kahit noong siya ang 14-taong gulang pa lang. Ngunit nung siya ay nag-asawa natigil ang pagtitinda niya ng balut dahil nagtrabaho sa ibang bansa ang kanyang asawa at tanging siya lang ang nag-aalaga sa kanyang mga anak.

Lumipas ang maraming taon nagkaroon na ng sariling pamilya ang dalawang anak ni Nanay Amelia, at ang mas lalong nagpalungkot sa kanya ay ang pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na asawa noong 2016. Kaya ngayon, mag-isa na lamang na namumuhay si Nanay Amelia sa kanilang tahanan na kahit medyo sira-sira na ay hindi niya kailanman iiwan. Sa kagustuhan na may sariling kita ay nagpatuloy siya sa pagtitinda ng balut sakay ng kanyang ‘padyak’ uminit man o umulan ay patuloy pa rin siya sa pagtitinda.

Sa tagal ng bahay nila Nanay Amelia na halos 30-taon ng nakatayo ang mag-isa na lang siyang namamahinga dito. Pinangarap din ni Nanay Amelia ang magkaroon ng bago at simpleng bahay, bungaloo style lamang ang kanyang gusto.

Kaya naman ang kanyang anak na si Ruby Manangan, ay hindi umano ito kinalimutan, sila ng kanyang asawa ay talagang nagtiyagang mag-ipon sa loob ng limang taon mula sa kanilang negosyo upang mahandugan lang ng bagong house and lot ang kanyang ina. Ito ang tanging paraan ni Ruby para masuklian ang ilang dekadang pagsasakripisyo bilang balut vendor ng kanyang ina.

Pero ang si Nanay Amelia, tila nagkaroon ng pag-aalinlangan na tumira sa bago niyang tahanan. Pilit mang sinasama ni Ruby ang kanyang ina sa bago nitong tahanan upang ito ay kanilang makasama, sa kabilang banda mas gusto pa ring manatili ni Nanay Amelia sa luma nilang bahay kung saan naroon ang mga alaala nila ng kanyang asawa na hanggang ngayon ay sariwa pa sa kanyang isipan.

Isa lang ang tanging hiling ni Nanay Amelia sa kanyang mga anak, na sana pagdating ng panahon na siya labis ng tumanda huwag lang sana siyang pababayaan ng kanyang mga anak kahit na ito ay hindi nila laging kasama.
Comments
Loading…