in

Nakikipagbaka Ang Boksingerong Ito Sa Loob Ng Ring Upang Mapagtapos Lamang Ang Kanyang Asawa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon ay napakahirap kumayod ngunit hindi ito alintana ng boksingerong si Jonel Borbon dahil ang kaniyang sakripisyo at pawis sa loob ng ring ay may saysay at walang kasayanganan sapagkat napagtapos niya ang kaniyang misis sa kolehiyo.

Sa wakas ay napagtapos niya ang kaniyang misis nitong si Mylen Borbon nito lamang ika-3 ng Hulyo sa kursong Bachelor of Science in Information Technology. At hindi lamang ito, si Mylen ay gumraduate din bilang ‘Cum Laude’ at matagumpay na nairaos ito kanyang Mister. Kaya’t nasisiyahan siya sa resulta,ganun na lamang pinagpapasalamat nito sa kaniyang asawa. Ang pagbabahagi pa nito ang asawa daw niya na si Jonel ang kumukumbinsi na ipagpatuloy ang pagaaral sa kolehiyo sapagkat alam din nito na matagal na niyang nais makapagtapos sa pag-aaral ayon kay Mylen.

“Nung sabi ko na tapos ko na pag-aralin ng high School ‘yung kapatid ko, sabi ng asawa ko. “Bakit hindi mo i-try ulit mag-aral kasi gusto mo naman?” Tapos sabi ko “Sige,kung kaya natin.I-try na lang natin…”Hanggang siya po ‘yung nagpilit sa akin mag-enroll. “Upang mapag-aral niya ang misis na si Mylen, sa loob ng ilang taon ay kumayod ng husto si Jonel at pinagsabay niya ang pagiging boksingero at fitness instructor.

Kaakibat na hindi maayos na nakakapag-ensayo ito ay patuloy siyang tumatanggap ng mga laban.Para lamang sa halagang Php1,000 kada round, isinaalang-alang ni Jonel ang kaniyang buhay sa loob ng apat na sulok ng ring upang pagsikapang ipanalo ang premyong kikitain. Bukod tangi na kahit sa malayo ay bumabyahe pa ito para lamang sa mga laban nito. “Lalaban, Wala akong masyadong ensayo. Kinukuha ko na lang kasi….wala ‘eh. Ganun talaga maraming bayarin ‘eh,” saad pa ni Joel.

At ayon pa sa kaniyang mister na si Jonel, nang sa ganoon raw kinukumbinsi ang misis nitong si Mylen na ipagpatuloy ang pag-aaral ay dahil alam nito na sa hinaharap na hindi na siya pwedeng sumabak sa boksing. Saad nito sa asawa niyang si Mylen, kahit isa man lang sa kanila ay makagraduate sa kolehiyo.

Ayon kay Jonel, “Naisip ko rin sa sarili ko,bilang fighter, pagdating ng araw baka hindi ako makapagtrabaho kasi nga hindi rin naman ako nag-aral,wala rin akong tinapos. So parang, ‘yun na lang ‘yung pinagbabasehan ko. Iyong lakas ng katawan, lakas ng loob..” dagdag pa nito, “Ako kasi, pagdating ng araw, ma-injured…wala na. Wala ka ng pag-asa, kaya sabi ko sa kaniya, kahit isa sa’min may makapagtapos man lang ng pag-aaral.”

Sa matagumpay na pagtatapos ng kaniyang asawa, saad ni Jonel ay “pwedeng hindi na siya tumanggap ng mga laban na binibigyan lamang siya ng tatlo hanggang limang araw na paghahanda kagaya noon. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay magtatrabaho na lamang ito” ito ang nakapaloob na mensahe ayon kay JONEL. Sa dakong ring ito,may ibinahaging mensahe si Mylen na kagaya niya ay kapos sa buhay at hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Saad nito, “Wag mawalan ng pag-asa dahil hindi naman hadlang ang panahon o edad sa pag-aaral.” Narito pa ang dugtong na mensahe ni Mylen, “Huwag nilang tingnan ‘yung edad nila para sa pag-aaral kasi wala naman po talagang edad….kumbaga wala namang expiration ‘yung pag-aaral, ‘eh. Wala namang age limit po ‘yon. Kaya i-pursue na lang po nila kasi mas iba po talaga ang may pinag-aralan.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Hinahangaan Ang Babaeng Ito Na Itinuloy Ang Bridal Photoshoot Kahit Iniwan Na Ng Fiance

Alamin Kuung Bakit Tinanggihan Ng Isang Inang Balut Vendor Ang Inihandog Sa Kanya Ng Kanyang Anak Na Bagong House And Lot