in

Hinahangaan Ang Babaeng Ito Na Itinuloy Ang Bridal Photoshoot Kahit Iniwan Na Ng Fiance

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Masakit ang iwan ng minamahal, lalung-lalo na kung kayo ay ikakasal na sana. Lahat ng mga pinagsamahan ay kailangan nang kalimutan at ibaon sa nakaraan. Ang importante ay mayroon tayong suporta na nakukuha sa ating pamilya at mga kaibigan upang makatulong sa paghilom ng ating puso. Tulad na lamang ng babaeng ito na bagamat iniwan ng fiancee ay nagawa pa rin tumuloy sa photoshoot na para sana sa kanilang kasal.

Source: Manna Samantha Luna

Pitong taon na masayang may karelasyon si Manna Samantha Luna subalit nawala ng isang iglap. Viral ang mga larawan niya na kinuha ng Athina de Ocampo Studios para sana sa celebration ng kanyang kasal.

Source: Manna Samantha Luna

Suot-suot ang wedding gown, at complete with hair and make up ay itinuloy pa rin ni Sam ang photoshoot. Blooming naman ang dalaga sa kabila ng nangyari dito. Nagagawa rin nitong ngumiti na para bang may inspirasyon sa likod ng mga ito.

Source: Manna Samantha Luna

Pagbabahagi ni Sam ay dalawang taon na siyang iniwan ng kanyang groom-to-be subalit naisipan pa rin nito ituloy ang booked na appointment. “May gown na ako, so ‘yun. Then one day bigla na lang na ayaw na niya. Ang sinabi niya sa aking reason is hindi niya kayang ibigay ‘yung love na binibigay ko sa kaniya,” saad ni Sam.

Source: Manna Samantha Luna

Wala na silang komunikasyon ng kanyang ex, at sa ngayon ay nagpupursige si Sam na ipagpatuloy ang pangarap na maging doktor. Ayon rito ay naging mahirap sa una ang pagmo-move on sa masakit na heartbreak subalit kinaya nito iyon. Kaya naman ang photoshoot na ito ay nais ni Sam na magsilbing inspirasyon na darating din ang panahon ay maghihilom ang iyong puso.

Source: Manna Samantha Luna

“First is to acknowledge na wala na. Then after that, i-accept mo na hindi na nga mangyayari talaga. Iiyak mo ‘yon, isigaw mo kung anong gusto mong gawin. Basta i-feel mo, mag-grieve ka about it.”

Source: Manna Samantha Luna

Dagdag pa ni Sam, “Siyempre kailangan may will ka, kailangan gusto mo rin talagang mag-move on.” Tama nga naman na kailangan ay magsimula sa ating mga sarili ang kagustuhan sa pagmomove on. Kailangan ay may determinasyon tayo na kalimutan ang nakaraan at magsimula ng may bagong ngiti at tapang.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Viral Ngayon Ang Isang Lolong Nakaluhod Sa Kanyang Hospital Bed Na Taimtim Na Nanalangin

Nakikipagbaka Ang Boksingerong Ito Sa Loob Ng Ring Upang Mapagtapos Lamang Ang Kanyang Asawa