in

CuteCute CryCry

Viral Ngayon Ang Isang Lolong Nakaluhod Sa Kanyang Hospital Bed Na Taimtim Na Nanalangin

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karamihan sa atin ngayon, tila nakakalimot na tayong tumawag sa ating Panginoon. May pagkakataon na naalala lamang natin ang tumawag sa kanya sa tuwing tayo ay may mabigat na problemang dinadala. Ngunit, ang pagdarasal ay hindi lamang sa tuwing tayo ay may problema bagkus dapat din tayong magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap sa araw-araw at humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa.

Isa na rito ang isang lolo na nag-viral sa social media kamakailang lang dahil sa kanyang larawan kung saan makikita itong nakaluhod sa kanyang hospital bed habang taimtim na nagdadasal. Ang larawang ito ay ibinahagi ng kinilalang si Nenita Dalde, ayon sa kanya nakuhaan umano niya ang naturang larawan bago inilipat ang lolo sa ICU. Ngunit makalipas lamang ang isang linggo pumanaw ito.

Source: Nenita Dalde

Ayon kay Nenita, lagi daw sinasabi sa kanila ni lolo na dapat gawin nila ang lahat ng bagay ng may kaayusan at panalangin. Dagdag pa ni Nenita, kahit na nahihirapan si lolo na makatayo at dahil na rin sa kanyang kondisyon at katandaan ay pinilit pa rin nito ang lumuhod at taimtim na manalangin. Ang lolo na ito ay nakilalang bilang si Ka Dalds. Kaya naman maraming netizens ang naantig sa kanyang kalagayan.

Tiyak ngayon ay nasa mapayapang lugar na si lolo dahil sa kanyang kabutihan at malakas na pananampalataya sa ating Panginoong Diyos. Marahil tila na naramdaman na niya noon na siya ay hindi na magtatagal sa mundo kaya naman kahit hirap na itong makatayo ay pinilit niya pa ring ang lumuhod upang magdasal.

Narito ang kabuuang post ni Nenita:
“This photo was taken on the night he was transferred to the ICU, exactly one week before he expired. Palagi niyang tagubilin sa amin, “gawin ninyo ang lahat ng bagay ng may karapatan at kaayusan.” Hirap nang tumayo pero nakaluhod pa din kung manalangin. Salamat sa madaming inspirasyon, Ka Dalds At 87.”

Source: Nenita Dalde

Samantala, mabilis naman na naging viral sa social media ang naturang larawan ng lolo at umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens. At marami din ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay para sa pamilyang naiwan ni lolo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mag-aama Matiyagang Naglakad Mula Surigao Hanggang Davao Dahil Sa Hindi Kumpleto Ang Requirements Upang Makasakay Ng Bus

Hinahangaan Ang Babaeng Ito Na Itinuloy Ang Bridal Photoshoot Kahit Iniwan Na Ng Fiance