in ,

OMGOMG

Unica Iha ni Dawn Zulueta, Agaw Pansin Sa Social Media Dahil Sa Taglay Nitong Ganda

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naniniwala ka bang ‘the apple don’t fall far from the tree’? Kadalasan ay namamana ng anak ang ugali ng kanilang magulang, at mas lalo pa ang hitsura ng mga ito.

Kasalukyang nagviral ang picture ng unica iha ni Dawn Zulueta na si Ayisha Madlen Lagdameo dahil kasing ganda nito ang actress. Ang ama ni Ayisha ay si Antonio Lagdameo Jr. at si Ayisha ay labing dalawang taong gulang na at makikita na ang umuusbong nitong ganda na talaga naming namana sa kanyang magulang.

Source: Facebook

Bagamat ay isa nang sikat na artista ay hands-on pa rin si Dawn sa kanyang mga anak. Sa isang panayam sa PEP.ph, ay ibinahagi nito na, “bukod sa meron kang mga bagong nilalang na dinadala sa mundo… I think ang the best din as a mom for me is iyong makapag-raise ka ng mga bata that can become the best that they can be.”

Source: Dawn Zulueta IG

“When you get home [from school], the first thing you have to do after your snack is to do your assignment before playing.”

“Iyong… It’s just a structure because you want to teach them later on na… these are habits.”

“It’s habit-forming kasi that they’re going to bring with them when they grow up.”

Source: Dawn Zulueta IG

Nang tanungin si Dawn kung sakaling papasok sa showbiz ang mga anak ay ito ang sagot nito, “Parang nakikita ko iyong aking daughter, si Ayisha, kasi siguro dahil palagi niya akong pinapanood na nagme-makeup, nagaayos ng buhok.”

“Kasi you know, I work diba? Parang nai-imbibe na ‘ata niya, so we’ll see.”

Source : Facebook

“But I don’t encourage it yet dahil ang gusto ko kasing gawin ng mga anak naming ngayon iyong mag-aral muna talaga sila.”

“Later on naman pagka-nakagraduate na sila ng high school, college, they can decide on their own.”

Source: Dawn Zulueta IG

Proud mommy naman si Dawn sa kanyang mga anak na talaga namang nakikitaan na ng talento sa murang edad pa lamang. Mananatiling supportive naman ito sa kung ano ang maging desisyon ng mga anak sa kanilang paglaki.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Inigo Pascual, Sa Edad Na 23 Ay Mayroon Ng Sariling Farm

Mag-aama Matiyagang Naglakad Mula Surigao Hanggang Davao Dahil Sa Hindi Kumpleto Ang Requirements Upang Makasakay Ng Bus