in

Mag-aama Matiyagang Naglakad Mula Surigao Hanggang Davao Dahil Sa Hindi Kumpleto Ang Requirements Upang Makasakay Ng Bus

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakakabilib ang mag-amang ito, hindi nila inalintana ang init ng araw bagkus naglakad sila tungo sa Davao del Sur. Isang netizen na si Danilo ay nakita niya ang dalawa na nagpapahinga sa Panabo City, si tatay ay nagngangalang Reynante Quintos.

Source: Danilo Calzadora

Gustong-gusto ni tatay Reynante na pumuntang Davao del Sur sa kadahilanang sinasaktan ng kaniyang asawa ang isa pa nitong anak. Hindi hadlang ang kakulangan ng requirements para makasakay sa bus bagkus nilakad nilang mag-ama ito papuntang Davao del Sur.

Source: Danilo Calzadora

Marami pa rin sa ating mga Pilipino ang nagmamalasakit sa kapwa natin Pilipino katulad na lamang ni Calzadora na naghatid ng tulong sa mag-ama para kahit papaano ay meron silang pera at dahil din do’n nakabili si tatay Reynante ng materyales sa paggawa ng kariton upang kahit paano ay mayroong masakyan ang kanyang anak. Dahil sa dala-dala nilang gamit ay siyang nagpahirap sa kanila sa biyahe.

Source: Danilo Calzadora

Dulot ng p@ndemya sa ating bansa, mahirap makasakay sa publikong sasakyan patungong probinsya kung wala kang travel pass at medical certificate ng isang tao. Hindi rin nagtagal ay nagviral ang kanilang mga litrato sa social media at maraming netizens ang naawa at gustong magpahatid ng tulong sa mag-ama.

Source: Danilo Calzadora

Datapwat hindi nakuha ni Calzadora ang ibang detalye o ang numero kay tatay Reynante sa kung papaano mabahaginan ng tulong ang mag-ama. Sa sitwasyon ng mag-ama marami ang gusto na lang ipahatid papuntang Davao del Sur. Ang mensahe naman ng iba ay sana maipaabot sa mga LGU’s ang nangyayari kina tatay Reynante maging ang kaniyang anak upang matulungan ang mga ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Unica Iha ni Dawn Zulueta, Agaw Pansin Sa Social Media Dahil Sa Taglay Nitong Ganda

Viral Ngayon Ang Isang Lolong Nakaluhod Sa Kanyang Hospital Bed Na Taimtim Na Nanalangin