in

Inigo Pascual, Sa Edad Na 23 Ay Mayroon Ng Sariling Farm

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala ang kapamilya star na si Inigo Pascual bilang isang magaling na singer at actor sa industriya ng showbiz. Ang kanyang ama na si Piolo Pascual naman ay kasalukuyang nagbabakasyon malayo sa spotlight ng entertainment industry.

Subalit hindi naging hadlang ang pandemya upang hindi matupad ni Inigo ang isa sa pinapangarap niyang magkaroon. Sa edad na 23 ay nakapagpudar na ito ng sariling farm na iilan lamang sa limpak limpak na achievements ng binata. Nitong Nobyembre 2020 lamang ay nakabili ng sariling farm si Inigo sa Rizal. Pagbabahagi ng binata ay para umano sa kanyang pinakamamahal na lolo ang farm sa Rizal.

Source: Inigo Pascual IG

Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Inigo sa pagbuo ng kanyang private farm. Ayon sa reports ay bumili na ito ng mga kabayo, at mga alagang baboy at baka. Unti-unti rin nitong binubuo ang pinapangarap na rest house sa loob ng kanyang property. “I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm.

Source: Inigo Pascual IG

“Parang sobrang pangarap ko talaga ‘yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be here,” pagdadagdag ni Inigo.

Source: Inigo Pascual IG

Ibinahagi niya ito sa isang panayam ng morning show ng kapamilya network na, ‘Magandang Buhay’.

Kwento pa ni Inigo, “Ako kasi I’ve always loved nature. Parang doon ako kumakalma, doon ko nakakalimutan ang stress, ang problema.”

“Hilig ko lang talaga bata pa ako, hilig ko sa bundok, hilig ko mag-hike, magpunta sa beach. So anything nature-related eh ‘yon ang trip ko na gawin on my spare time.”

Source: Inigo Pascual IG

Nasorpresa naman si Inigo nang bigla dumating sa set si KZ Tandingan. Ito umano ay isa sa mga hinahangaan ni Inigo sa industriya. Nagbigay naman ng mensahe si KZ para sa kaibigan na si Inigo, ““I am thankful for the friendship and I’m thankful as an artist na you are doing this kahit wala kang blueprint na pina-follow.

“You are trying to embark on a journey na walang blueprint, na hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Walang magsasabi sa iyo na ito ang gawin mo, ito ang tama. Ginagawa mo lang ito.
“You are taking a huge risk and that’s gonna make it less hard for artists like us na sundan ang yapak mo kasi binuksan mo na ang pinto dadaan na lang kami.”

Source: Inigo Pascual IG

Inamin naman ni Inigo na fan na fan siya ni KZ, ““Sobrang fan na fan ako ni Ate KZ. To say that I’m friends with her or I have someone like her in my life sobrang blessing sa akin ‘yon.

“And I also promise that I will be there for you as much as a I can. Sobra akong nagpapasalamat kay Ate KZ. She reminds me everyday that all this success, all these achivements it doesn’t define who you are it’s what inside that matters the most.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Narito “Ang Kwento ng 300k” ng Isang Dalagang Nakamit Ang Pangarap Niyang Maging Isang Doktora

Unica Iha ni Dawn Zulueta, Agaw Pansin Sa Social Media Dahil Sa Taglay Nitong Ganda