in

Narito “Ang Kwento ng 300k” ng Isang Dalagang Nakamit Ang Pangarap Niyang Maging Isang Doktora

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat pangarap ay may kwento sa likod nito, ito ang mga nakakamanghang pangyayari sa buhay na kailanman ay mananatiling inspirasyon sa bawat isang nangangarap. Lahat ng tagumpay ay may kaakibat na pagpupursigi at pagsusumikap upang masungkit ang isang pangarap.

Kagaya na lamang ng ibinahaging kwento ng dalagang nakamit ang pangarap niyang maging isang doktor. Siya ang nakilalang newly graduate bilang isang doktor na Dr. Honesty Excell V. Salazar. Narito ang kanyang istorya ng paglalakbay patungo sa tagumpay, at pinamagatan niya itong “Ang kwento ng 300k”.

Source: Honesty Salazar

Sa pagsisimula ni Honesty, naalala niya pa noon na minsan siyang tinanong ng kanyang ama kung sigurado ba daw siyang kumuha ng kursong medisina. Dahil ayon sa kanyang ama, nasa Php300,000 na lang ang laman ng bangko nila. Isa lang din ang naging sagot ni Honesty, sigurado siya at ilalaban niya ang kanyang pangarap na maging isang doktor.

Source: Honesty Salazar

“OO NAMAN!” Ang bukod tanging pinanghahawakan ko.. kasi naniniwala ako kahit ano mangyari igagapang nila yung pangarap ko,” saad pa niya.
“Sa bawat taon na dumaraan.. halos magbenta ng lupa, sasakyan at magbanat ng buto yung mga magulang ko para lang makapasok ako at makatuloy sa laban,” dagdag pa niya.

Source: Honesty Salazar

Pagkukwento pa niya, dumating daw sa puntong pinunit niya ang blangkong papel sa likod ng libro para lang gumawa ng sulat sa accounting office na hindi siya muna makakabayad ng buo para sa kanilang exam. Mabuti na lang ipinahiram sa kanya ng kanyang ate ang tuition fee nito nang mga oras na yon upang maidagdag lang sa kanyang pambayad upang siya ay makapag exam.

Source: Honesty Salazar

Sabi pa niya, sa lahat ng bagay laging siya ang inuuna ng kanyang pamilya upang makamit niya lang to, dahil sa para sa kanila ang pangarap niya ay pangarap na din nila. Naalala niya pa noon ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan, na huwag siyang mag-alala dahil hindi tinatanggihan ng paaralan ang estudyanteng walang pambaon. Kaya naman labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang kaibigan dahil binibigyan siya nito ng pagkain sa mga panahong wala siyang makain.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga kaibigan na bumibili ng school supplies, nagbibigay ng pera pandagdag sa baon niya, mga nagpapahiram ng libro at gamit sa tuwing kailangan niya ang mga ito. Sa kaibigan niyang tumatawag at bumibisita sa kanya upang siya ay kumustahin at higit sa lahat yung mga taong nagpahiram sa mga magulang niya para lang may maibayad sa kanyang tuition fee nung panahon na sila ay gipit na gipit.

Source : Honesty Salazar

Buong puso siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya simula umpisa hanggang sa huli, lalo na sa mga panahon na lagi niyang iniisip kung makakapasok siya sa susunod na semester at kung paano siya makakabili ng kanyang mga gamit.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Honesty ang walang sawang pagsuporta at pagmamahal na ibinigay sa kanya lalo na ng kanyang mga guro. Sa huli, buong puso rin siyang nagpapasalamat sa Panginoong Diyos dahil binigyan siya nito ng sobrang sipag na mga magulang upang maitawid lang niya ang kanyang pag-aaral sa medisina. Ika pa ni Honesty, “Tunay nga talagang hindi niya tinitignan kung magkano ang pera mo.. dahil ang tinitignan niya ay ang paniniwala mo na kaya mong tuparin ang mga pangarap mo.”

Source: Honesty Salazar

Gaano man kahirap ang mga dumadating na pagsubok sa buhay kung patuloy kang lalaban talagang makakamit mo ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Dalagang May Kakaibang Ganda at Dunong, Siya Ay Si Kiana Valenciano Na Anak ni Gary Valenciano

Inigo Pascual, Sa Edad Na 23 Ay Mayroon Ng Sariling Farm