in ,

Angel Locsin, Ibinahaging Siya Ay Mag-aaral Magluto Para Sa Kanyang Fiancé na si Neil Arce, Upang Paghahanda Bilang Isang Asawa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga goal ng award-winning actress na si Angel Locsin noon kung bakit siya nag-artista ay upang maipagamot ang kanyang ama. Ang ama kasi ni Angel ay kinakailangan operahan noon sa mata kaya siya ay talagang nagsumikap sa pag-aartista para makaipon ng pera para sa operasyon ng kanyang ama.

Ito ang ibinahagi ng aktres ng siya tanungin sa iilang detalye patungkol sa kanyang pagsisimula noon sa showbiz. Ayon sa aktres, ang plano niya lang talaga noon ay maging artista sa loob lamang ng dalawang taon pagkatapos ay lilisanin na niya ang entertainment industry.

Source: Angel Locsin IG

“Alam mo ba, dapat two years lang ako sa showbiz. Mag-iipon lang ako, tapos ipapaopera ko yung tatay ko.”

“Tapos nu’ng nakaipon na ako ng 75 percent, sinabi sa amin ng doctor na hindi na pwede i-operate. Ngayon, 94 na si Daddy. Pero nu’ng time na yun, mga 80 plus na si Daddy,” saad ng aktres. Ito ang kanyang pahayag sa isang panayam sa kanya ni Matteo Guidicelli sa “MattRuns” podcast.

Source: Angel Locsin IG

Dagdag pa niya, dumating sa puntong naramdaman niyang parang nawalan na siya ng purpose sa entertainment industry dahil hindi niya nagawang maisalba ang paningin ng kanyang ama.

“Medyo na-lost ako, wala akong purpose, hindi ko alam kung anong gagawin. And then, na-challenge ako,” ika pa ni Angel.

“Hindi ko alam kung naranasan mo yung minsan may bullying or minsan may parang discrimination. Na-challenge lang ako na okay, ipapakita ko na kaya ko. Tanggap lang ako nang tanggap ng trabaho,” pahayag pa ni Angel.

Source: Angel Locsin IG

Ngunit, nagbago ang desisyon ng aktres na lisanin ang showbiz dahil na rin sa mga advise sa kanya ng mga artistang batikan na at matagal niyang na kasama sa mga proyekto.

“Nakakita ako ng mga magagaling na artista, mga senior actors natin. Na-impress ako sa passion nila.”
“Si Tita Amy Austria, siya yung unang napanood ko na, sabi ko sa kanya ‘Nay, bakit ka umiiyak? VO lang ito.’ ‘Kasi anak, maririnig ng tao yung emosyon mo, so dapat iiyak mo rin kung kailangan umiyak ka,” sabi pa niya.

Source: Angel Locsin IG

“Nu’ng time na yun, hindi ko naiintindihan, kasi hindi ka kita sa camera. Eh, ‘di ba, ang hirap umiyak? Tapos, iiyak ka, hindi ka kinukunan ng camera. Doon ko na na-discover yung passion ko rin. Na-curious ako kung paano ginagawa,” paliwanag pa ng aktres.

Nabanggit din ng aktres na nami-miss niya ang paggawa ng mga palabas sa telebsyon. Pero para sa kanya nasa tamang lugar na siya ngayon, dahil kung dati ang iniisip niya lang noon ay ang kumita ng pera dahil breadwinner siya kaya nakalimutan na niya ang kanyang sarili. Ngayon naman ay bubuo na siya ng kanyang sarili pamilya, kaya naman aayusin niya muna ang mga sarili niyang plano sa buhay at isa na doon ang maging isang mabuting asawa.

Source: Angel Locsin IG

Ayon pa sa aktres, mag-aaral siyang magluto para naman hindi daw siya isauli ni Neil sa kanyang ama.
“Ngayon natututo ako kung paano gumawa ng budget ulit. So siguro, ako muna. Ayusin ko muna yung sarili ko. Ayusin ko yung kasal ko. Mag-aaral ako magluto para hindi naman ako isauli ng asawa ko sa tatay ko,” sabi pa ng aktres.

Source: Angel Locsin IG

Kaya naman pinaghahandaan ngayon nila Angel at Neil ang kanilang kasal upang maging masaya at memorable ang kanilang pag-iisang dibdib.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ama Na Nangailangan Ng 1.6M Para Sa Operasyon Ng Anak, Naisipang Magbenta Ng Banana Cake

Isang Dalagang May Kakaibang Ganda at Dunong, Siya Ay Si Kiana Valenciano Na Anak ni Gary Valenciano