in

CryCry CuteCute OMGOMG

Ama Na Nangailangan Ng 1.6M Para Sa Operasyon Ng Anak, Naisipang Magbenta Ng Banana Cake

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa atin ang sadyang kumakaharap sa matinding suliranin sa kabila ng problemang dulot ng p@ndemya sa ekonomiya. Mahirap man ang sitwasyon ay sinisikap pa rin lumaban sa hamon ng buhay.

Tiyak na magugulat kayo sa isang Ama na matiyagang nagbebenta ng banana cake sa gilid ng daan. Siya si Antonio de Tablan at buhat-buhat nito ay ang kanyang sanggol na si baby Aki. Madalang man tayo makakita ng isang Ama na nagbebenta habang buhat-buhat ang anak. Subalit isa pa ring ulirang Ama si Antonio sa kanyang pagsisikap para sa anak.

Nadiagnose ng Biliary Atresia ang kanyang anak na si Aki. Ayon sa mga doktor ay tanging dalawang taon na lamang ng natitira kay Aki dahil sa lala ng sakit nito. Upang madugtungan ang buhay ni Aki ay kinakailangan nito ng transplant na umaabot sa halangang 1.6 Milyong piso ang halaga.

Source: KMJS

Sadyang napakalaki nito ngunit sa halip na mawalan ng pag-asa ay sinubukan nitong lumaban at naisipang magbenta upang makalikom ng ganoon kalaking halaga. Sa katunayan ay natutunan ni Antonio na gumawa ng masarap ng banana cake dahil sa pananatili at pagtulong nito noon sa kapatid na may panaderya.

Sa kasamaang-palad ay napilitang magsara ng negosyo ang kapatid nito at hiniling naman ni Antonio na ibigay sa kaniya ang nga kagamitan sa paggawa ng tinapay. Subalit nag-iisa lamang si Antonio kaya naman ay labindalawang banana cake lamang ang kayang gawin nito sa isang araw. Ipinagbebenta naman niya ang gawang banana cake sa halagang P120 kada piraso.

Bagamat kakaunti ay pinagkakasya naman ni Antonio ang benta upang makaipon ng pampagamot ng anak. Ang kanyang asawa naman na si Joy ay nagbabantay ng kanilang tatlong anak. Sa katunayan ay nagkaroon bg Hydrocephalus ang pangalawang anak nila ni Joy. Agad namang nalutasan ang sakit ng anak nila nang ibinenta nila ang kanilang panaderya at singsing upang may pambayad sa sakit ng anak.

Source: KMJS

Sa ngayon naman ay muli na namang nasubok ang mag-asawa sa kanilang bunsong anak na si baby Aki. Madaling lamigin umano si Aki kaya naman ay napagpasyahan nilang dalawang beses sa isang linggo paliguan ang anak.

Humingi naman ng tulong ang mag-asawa sa KMJS para sa pampagamot ng anak. Sadyang kapos ang kinikita ng mag-asawa sa kanilang panindang banana cake lalo na’t kakaunti na lamang ang panahon para kay baby Aki.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Ang Buhay Ni “Jerick Sigmatong” Na Mas Kilala Bilang Si Carrot Man Matapos Ang Kaniyang Pagviral

Angel Locsin, Ibinahaging Siya Ay Mag-aaral Magluto Para Sa Kanyang Fiancé na si Neil Arce, Upang Paghahanda Bilang Isang Asawa