in ,

Alamin Ang Buhay Ni “Jerick Sigmatong” Na Mas Kilala Bilang Si Carrot Man Matapos Ang Kaniyang Pagviral

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Natatandaan niyo pa ang dating binansagang Carrot Man? Ang kanyang ngalan ay si Jerick Sigmaton na ngayon ay patok na patok sa social media dahil angking kagwapuhan at kisig ng pangangatawan nito. Iilan lang siguro sa inyo ang nakakaalam na isa na siyang miyembro ng all-male group na “FAB4Z” kabilang na rito sina Jeffer kim, Patrick Villanueva,at Yuan Quiblat.

Source: Facebook

Isang magandang simula ng siya’y madiskubre ng isang popular na magazine show ng GMA-7 na “Kapuso Mo Jessica Sojo” sa Mountain Province. Hindi rin nagtapos ay nakatanggap siya ng sunod sunod na alok at guestings sa iba’t ibang show sa GMA katulad na lamang ng “Bubble Gang”, “Unang Hirit”, “Sunday Pinasaya”, at “Wowowin”, matapos kumalat ang kanyang litrato sa tulong ng isang dalaga na nahumaling sa kanyang kakaibang kagwapuhan.

Source: Facebook

Nang siya’y inalok upang maging guest sa Wowowin ay tila siya’y naging madamdamin dahil sa punong-punong kasiyahan sa kanyang puso dahil sa hindi mo akalaing ang kaniyang pagtitiyaga ay may kaakibat na pag-unlad sa kaniyang buhay at talagang malaki ang kaniyang pagpapasalamat sa mga narating niya at sa mga bagay na meron siya ngayon. Naging isa din siya sa mga brand ambassador ng sikat na clothing line sa Pilipinas.Sa ngayon ay nakatira siya sa Baguio City.

Source: Instagram

Kung noon, siya ay nahihiya pa sa maraming tao, pero ngayon makikitaan mo na siya ng confidence at komportable ng magsalita sa harap ng mga tao.

Source: Instagram

Siya na ngayon ang tumutulong sa kaniyang mga kapatid upang suportahan sa kanilang pag-aaral. Gusto na niyang ipagpatuloy ang kaniyang karera sa industriya ng showbiz kung kaya naman ay pinag-iigihan niyang mabuti ang pag-aalaga ng kaniyang katawan at mainam na pag-eehersisyo at maging sa kalusugan. Isa rin ito sa gusto niyang matupad ay ang maging isang propesyonal na boxer katulad na lamang ni Sen.Manny Pacquiao.

Source: Instagram

Namangha ang mga netizens sa kaniya sapagkat sa kabila ng lahat ng ito ay nais niya pa ding makuha ang high School diploma niya sa pamamagitan ng homeschooling para ipagpatuloy ang pag-aaral. At dahil kilalang-kilala na rin siya sa mundo ng social media, ginawa rin siyang inspirasyon ng mga pocketbook na story. Isa rin sa gusto niyang gawin ay gumawa ng Igorot song. Kasalukuyan na niyang narating ang ibang lugar sa Asia katulad na lamang ng Singapore, Thailand, Korea at United Kingdom.

Source: Instagram

Kahanga-hanga ang kaniyang ipinakita,tunay na isa siya sa mga naging inspirasyon ng maraming tao na kahit anong hirap sa buhay kung tayo ay may tiyaga at may pangarap makakamtan rin natin ang minimithi sa buhay. Magpatuloy lang tayo at pagsumikapang mabuti.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Venus Raj, Masayang Ibinahagi Ang Pagtatapos Sa Graduate School sa United Kingdom

Ama Na Nangailangan Ng 1.6M Para Sa Operasyon Ng Anak, Naisipang Magbenta Ng Banana Cake