in

Venus Raj, Masayang Ibinahagi Ang Pagtatapos Sa Graduate School sa United Kingdom

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay na mahalagang patuloy natin ang pag-iimprove ng ating mga sarili. Pagtuloy na matuto ng mga bagong kaalaman upang mas mapabuti ang ating mga sarili.

Bagamat sikat na Beauty Queen at may pintong nakabukas para sa marangyang buhay sa showbiz ay mas pinili ni 2010 Fourth Runner-Up Miss Universe Venus Raj na mag-imbak ng bagong kaalaman ngayong 2021. Masayang ibinahagi nito ang kanyang achievement na talaga namang nagpahanga sa marami nating mamamayan.

Venus RAJ Instagram

Sa katunayan ay talagang hilig ni Venus na makipagsapalaran at matuto ng bagong kaalaman. Kilala ito na nakapagtapos ng iba’t ibang kurso tulad na lamang noong 2009 ay nakapagtapos ito ng Bachelor’s Degree in Communication Arts sa University of Bicol. Nang 2017 naman ay nakapagtapos ito bilang Cum Laude sa kursong Journalism sa University of the Philippines. Nakamit rin nito ang kanyang Master’s Degree in Community Development.

Venus RAJ Instagram

At dahil sa angkin nitong ganda at galing sa mundo ng pageantry ay nakamit nito ang Fourth place sa Miss Universe. Matapos ang parte na ito ng kanyang buhay ay nagpatuloy sa pag-aaral si Venus Raj.

Ipinost nito sa kanyang Instagram ang mga pangyayari sa kanyang buhay sa United Kingdom. Nag-aral ito sa Oxford Centre for Christian Apologetics at pinagsikapan ang pag-aaral habang pinapalago ang kanyang pananampalataya.

Venus RAJ Instagram

Nagdulot naman ng bunga ang kanyang pananatili sa paaralan na ito dahil mas naging malalim ang pagkilala nito sa Panginoon at nagkaroon ng maraming kaibigan na kapareho nito ng pananampalataya.

Venus RAJ Instagram

Bagamat hindi binanggit ng Beauty Queen ang kursong kinuha nito ngunit masasabing ang kinuha nitong pag-aaral ay patungkol sa pagpapalago ng pananampalataya at pagtuturo nito. Si Venus Raj ay isang Born Again Christian ay proud nitong ibinabahagi sa publiko ang kanyang pananampalataya.

Venus RAJ Instagram

Kahanga-hanga talaga ang mga achievements ni Miss Venus Raj at isa ito sa mga inspirasyon ng marami Pilipino dahil sa husay nito sa pagaaral at sa mundo ng pageantry.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang 12-Taong Gulang Na Batang Lalaki Ang Matiyagang Naglalako Ng Meryenda Upang Mayroong Maihandang Sorpresa Para Sa Kanyang Pamilya

Alamin Ang Buhay Ni “Jerick Sigmatong” Na Mas Kilala Bilang Si Carrot Man Matapos Ang Kaniyang Pagviral