in

Isang 12-Taong Gulang Na Batang Lalaki Ang Matiyagang Naglalako Ng Meryenda Upang Mayroong Maihandang Sorpresa Para Sa Kanyang Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang nangyayaring pandemya ngayon ay malaki ang naging epekto sa buhay ng mga tao mapabata man o matanda. Halos lahat ng mga tao ay naapektuhan ang kanilang ikinabubuhay at pagkakataon nilang makauwi sa kani-kanilang mga pamilya. Kaya nakakalungkot isipin na may mga batang nawawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa nangyayaring community quarantine.

Source: GMA News

Kagaya na lang ng nakakaantig na kwento ng isang bata na matiyagang naglalako ng pagkaing meryenda para lang may maipadala itong pera sa kanyang pamilya. Ang 12-taong gulang na batang ito ay nakilalang si Joshua. Ang kwento ng batang ito ay na-inere sa TV show ng “The Atom Araullo Specials”.

Source: GMA News

Sa naging panayam sa batang si Joshua, napag-alaman na siya ay naabutan ng community lockdown sa lungsod ng Maynila nang siya ay bumisita lamang sa isang kamag-anak. Halos isang taon na siyang nanatili sa Maynila na malayo sa kanyang pamilya. Ang ama naman ni Joshua ay naiwan sa Cavite, kung saan ito ay nagkasakit at hindi na makalakad.

Kaya naman habang naninirahan si Joshua sa Maynila siya ay natuto maging madiskarte sa buhay sa pamamagitan ng paglalako ng meryenda upang siya ay kumita ng pera at mayroong maipadala sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang amang may sakit. Nagtitiyaga at nagsusumikap si Joshua sa paglalako para makapaghanda rin siya ng simpleng regalo para sa kanyang pamilya.

Source: GMA News

Sa mura niyang edad, mayroon na siyang mumunting bisig kung saan pasan-pasan na niya ang responsibilidad na dapat hindi pa niya ginagawa. Sa kagustuhan na makatulong sa kanyang mga magulang ay gumawa siya ng paraan para lang may maipadala sa kanyang pamilya. Nakakaantig ng puso ang batang kagaya ni Joshua, na sa gitna ng pandemya iniisip niya pa rin ang kanyang pamilyang malayo sa kanya.

Source: GMA News

Ipinapakita lamang niya kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya dahil kahit trabahong pang matanda ay handa niyang gawin matulungan lang ang kanyang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lalaki Gumagamit Ng Kawayan Bilang “Prosthetic” Sa Kaniyang Paa Para Siya Ay Makalakad Lamang

Venus Raj, Masayang Ibinahagi Ang Pagtatapos Sa Graduate School sa United Kingdom