in

Isang Lolo Ang Namataang Matiyagang Nagpapayong Sa Kanyang Apo Na Gumagawa Ng Module

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang pinipiling estado ng buhay ang p@ndemya mapamayaman man o mahirap, lahat ay naaapektuhan. Subalit sadyang malaking pagsubok para sa mga mahihirap ang dulot ng pandemya. Maliban sa mga Enhance Community Quarantine na nakaka-apekto sa hanapbuhay ng mga ito ay isang challenge rin ang distance learning na ipinatupad ng DepEd.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata ay napagpasyahan ng gobyerno na gawing modular learning ang pag-aaral ng mga estudyante. Para sa mga kababayan natin na nakakaangat at nasa syudad ay madali lamang ito subalit para sa mga nasa lugar na mahirap makakuha ng signal o kaya naman ay walang pambili ng gadget ay sadyang napakahirap.

Source: Jorge Tejada

Karamihan ay gumagawa na lamang ng paraan na makakuha ng magandang signal upang matapos lamang ang takdang aralin. Para maabot ang pangarap na makapagtapos sa eskwela ay kinailangan na magtiis sa sistema ng edukasyon ngayong panahon ng p@ndemya.

Isa rin sa dumadaan sa pagsubok na ito ay ang apo ng isang lolo na namataang may hawak-hawak na payong. Ang litrato ng mag-lolo ay ibinahagi ng isang guro na si Teacher Jorge Tejada. Ayon rito ay isa itong guro para sa mga Senior High na estudyante, at sa bawat panahon na dadaan siya sa lugar na ito ay nakikita niya ang maglolo na nakaupo sa gilid ng bundok.

Source: Jorge Tejada

Si lolo Arnulfo Teves na 71 taong gulang ay makikitang hawak-hawak ang payong para sa apo na 12 taong gulang na si Daniel. Bagamat hindi ideal ang lugar upang makapagpokus sa aralin ay sinisikap ni Daniel na matapos ito agad para makauwi sila agad ng kanyang lolo.

Humingi ng pahintulot si Teacher Jorge sa litratong binahagi nito sa social media. Pumayag naman ang si Lolo Teves at humihiling na maiparating sa kinauukulan ang kalagayan nila para lamang makapag-aral ang kanyang apo.

Ayon sa mga ito ay 30 minutos ang nilalakad ng dalawa araw-araw para makarating sa lugar na may signal. Bagamat hirap at matanda na si Lolo Teves ay nagtitiyaga itong samahan at payungan ang apo na nagsisikap sa pag-aaral.

Source: Jorge Tejada

Dagdag pa nito ay pinagkakasya lamang nilang mag-asawa ang pensyons na P5,300 para sa kanyang anak na may kapansanan at mga apo. Maraming netizens naman ang tumutulong para sa panawagan ni Lolo Teves.

Source: Jorge Tejada

Katulad ni Nurse Elaine na isang OFW, ayon dito nag-ambagan silang magkakaibigan para sa solar power station nina Lolo Teves para magamit sa pag charge ng cellphone at pag-aaral ng kaniyang apo, gawa ito ng pinsan niyang si Engr. Joseph Amiel Camingal. Nasundan pa ito ng mga groceries na nagamit para makatayo ng munting sari-sari store.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Achiever Na Anak ni Vic Sotto Na Si Paulina Sotto Na Nakapagtapos Sa Kolehiyo Bilang Isang Cum Laude

Isang Lalaki Gumagamit Ng Kawayan Bilang “Prosthetic” Sa Kaniyang Paa Para Siya Ay Makalakad Lamang