in

Isang Lalaki Gumagamit Ng Kawayan Bilang “Prosthetic” Sa Kaniyang Paa Para Siya Ay Makalakad Lamang

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi lahat ng tao sa mundo ang nakakaranas ng maayos na pangangatawan kagaya ng malinaw na paningin, pandinig, may dalawang kamay na ginagamit upang makahawak sa isang bagay at dalawang paa na ginagamit upang makalakad. Kaya maswerte pa rin ang mga taong walang kakulangan.

Isa rito ang nag-viral na larawan sa social media ng isang lalaking, na tanging kawayan lamang at tinalian ng straw rope ang nagsilbi niyang ‘prosthetic leg’. Ito ay ibinahagi sa social media ng netizen na si Sheena Gallego, at ang lalaking nasa larawan ay kaniyang nakasabay lang sa isang pampasaherong jeep.

Source: Sheena Gallego

Ayon kay Sheena, ay humingi siya ng paumanhin sa lalaki dahil sa pagkuha niya ng larawan dito ng walang pahintulot. “Sorry po if nanguha po ako ng picture without your permission. It’s really heartbreaking to see you kuya,” saad niya. Mapapansin din sa larawan na talagang gawa sa kawayan ang kaliwang binti nito. Dahil sa kalagayan ng lalaki nakaramdam umano ng awa si Sheena at napaluha na lang ito.

Source: Sheena Gallego

Ang lalaking may kapansanan ay kinilalang si Darius Senillo, labis na humanga sa kaniya si Sheena sa katatagan nito na sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang lumalaban sa hamon ng buhay. Nag-viral sa social media ang mga larawang ito ni Darius, na hiningian din ng tulong ni Sheena na sana ay mabigyan ng ‘prosthetic leg’ ang lalaki. Upang sa gayon naman ay magkaroon ito ng maayos na binti at makalakad naman ng maayos.

Source: Sheena Gallego| Darius Senillo

Isang inspirasyon ang determinasyon ng lalaki na mamuhay na parang isang normal sa kabila ng kaniyang kapansanan. Ito ang magpapatunay na kahit anumang kapansan ay hindi hadlang upang maipagpatuloy ang buhay. Walang impossible kung tanging pananalig lamang sa poong maykapal ang ating kakapitan lalo na sa mga panahong tayo ay nagiging iba sa ating kapuwa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lolo Ang Namataang Matiyagang Nagpapayong Sa Kanyang Apo Na Gumagawa Ng Module

Isang 12-Taong Gulang Na Batang Lalaki Ang Matiyagang Naglalako Ng Meryenda Upang Mayroong Maihandang Sorpresa Para Sa Kanyang Pamilya