in , ,

Viral Ngayon ang Isang Lolong Bulag na Naglakad ng Napakalayo Upang Siya Ay Makapabakuna Lamang

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ngayong panahon ng p@ndemiya, inululunsad ang mga bakunang ating magiging sandata upang malabanan ang kumakalat na sakit. Karamihan sa mga tao ay may mabilis na paraan upang makarating sa lugar kung saan ginaganap ang pagbabakuna. Ngunit hindi lahat ng tao ay nakakaranas ng ganitong pagkakataon.

Tulad na lang ng isang lolong ito na nilalakad ang 35-kilometrong layo ng lugar mula sa kaniyang tahanan patungo sa pinakamalapit na klinika upang siya ay mabakunahan lamang. Ang lolong ito ay kinilalang si Shaikh Ramly Sheikh Ahmad na nagmula pa sa lugar ng Pahang, Malaysia.

Source: BH Online

Sa kaniyang panayam ng Buletin Pahang broadcast, ibinahagi ng matanda ang kaniyang nagiging paglalakbay upang makarating lang sa araw ng bakuna. Sa kaniyang pagbabahagi, napag-alaman na siya ay may kapansanan sa paningin. Ayon sa kaniya siya ay umaalis ng kanilang bahay sa Kampung Kertau ng ala-sais ng umaga patungo sa Mobile Outreach Vaccination Programme (MOVAC). Dahil na rin sa kaniyang kapansanan hindi siya nakapag-rehistro sa National Covid-19 Immunisation Programme (PICK).

Ayon naman sa photographer na si Farizul Hariz Awang, nakita niya umano ang lolong ito na naglalakad mag-isa at may dala itong tungkod at bag ng bandang ala-diyes ng umaga pagkatapos ng apat na oras niyang paglalakad mula sa kanilang tahanan. Naawa si Fariz Hariz kaya naman inaalok niya ito ng libreng sakay patungo sa pupuntahan nito. Pagdating naman ng matanda sa klinika, ay tinulungan naman siya ng mga staff na nakapag-rehistro upang siya ay mabakunahan.

Source: Pahang Media

Ngunit, sa naging panayam sa matanda nilinaw niyang hindi naman daw talaga siya naglakad ng 35-kilometro kundi nakisabay naman daw siya sa kanilang kapitbahay patungo sa vaccination center, pero nagdesisyon na lamang siyang maglakad kung saan siya nakita ng photographer na Fariz Hariz.

Dagdag pa ng lolo, gustong-gusto niya talaga ang naglalakad, dahil na rin sa p@ndemiya kaya hindi na rin siya masyadong nakakapaglakad. Kaya siya ay sa MOVAC sa Kuala Wau Health Clinic siya nagpabakuna hindi sa isang klinika na malapit lamang sa kanila ito ay sa Pekan Tajau.

Source: Pahang Media

Kahit may malayo man ang nilakbay ng lolong ito ay masaya naman siya sa kaniyang naging paglalakbay. Nawa’y maging inspirasyon ang pananaw ng lolong ito patungkol sa pagbabakuna.

Ang panayam ay naipalabas sa bulletin ng balita sa umaga ng Pahang Media, na maaaring mapanood sa YouTube. Ang segment ng balita ay ibinahagi din sa Facebook ng Pamahalaang Estado ng Pahang, at iniulat sa website ng Pahang Media.

.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bela Padilla, Masayang-masaya Sa Muling Pagkikita Nila Ng Kanyang Napakagwapong Swiss Boyfriend

Kilalanin Ang Achiever Na Anak ni Vic Sotto Na Si Paulina Sotto Na Nakapagtapos Sa Kolehiyo Bilang Isang Cum Laude