in ,

LoveLove

Lalaking Isinugod Sa Ospital, Nailigtas ng Babaeng Pinag-aral Nito Ng 11 Taong Nakalipas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

May mga pagkakataong hihingin ang ating kamay upang mapatunayan natin ang ating mga sarili. Sa simpleng pagtulong lamang ay tiyak na may kabutihan na maibabalik. Maaari tayong makapagbago ng buhay ng isang tao, kahit sa maliit na pagtulong sa kapwa. Pagdating ng panahon ay may dala naman na swerte o kabutihan ang pagtulong natin.

Bagamat mahirap ang buhay ay nagawa pa rin na tumulong ng isang lalake mula China ang isang taong di nito kaano-ano. Kinilala naman ang lalake bilang si Zheng Hua. Siya na marahil ang pruweba na maaaring bumalik sa atin ang kabutihan na ginagawa natin sa ating kapwa.

Isang kwento na kapupulutan ng aral ang nangyari kay Zheng Hua. Nagkaroon umano ng malakas na lindol sa kanilang lugar na may 7.9 magnitude noong 2008.

Source: TDS

Ang pamilya ni Tam Ling ay isa sa mga biktima nito. Dahil sa lindol na ito ay lalong nalubog sa hirap ang pamilya ni Tam Ling. Sinira ng lindol ang kanilang tirahan, at dahil rito ay napilitan ang pamilya na makitira sa kanilang kapitbahay. Wala ring pera ang pamilya ni Tam Ling upang maipagawa ang kanilang tirahan.

Sa kasamaang palad ay si Tam Ling na ang tumayong magulang sa kanyang dalawang kapatid.

Source: TDS

Humanga naman si Zheng Hua nang malaman ang kwento ni Tam Ling at lalong lalo na sa kalagayan nito. Bagamat hirap ay nagpupursige pa rin si Tam Ling na maiahon ang kanyang pamilya. Kaya naman ay nagdesisyon si Zheng Hua na tulungan siya. Ibinigay niya ang cellphone number kay Tam Ling at nagbilin na tawagan siya sa panahon na makatapos na ng highschool ito.

Source: TDS

Nang dumating na ang araw na nakapagtapos ng highschool si Tam Ling ay tinawagan nito si Zheng Hua. Agad naman nirekomenda ni Zheng Hua si Tam Ling sa magandang medical school at binayaran pa ang unang taon nito rito.

Source: TDS

Makalipas ang 11 na taon ay isinugod sa hospital si Zheng Hua dahil sa brain aneurysm. Nagkataon na sa hospital na iyo nagtatrabaho si Tam Ling, kaya naman ay agad itong lumapit at tumulong sa kaniya. Pagkukuwento ni Zheng Hua, “11 years ago, I put her through the medical school. Eleven years later, she saved my life! I shared this story because I want to motivate others to spread kindness.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pulubing Lalaki na Ginupitan, Binihisan, Pinaliguan, At Kinupkop ng mga Sakristan

Bela Padilla, Masayang-masaya Sa Muling Pagkikita Nila Ng Kanyang Napakagwapong Swiss Boyfriend