in

Bela Padilla, Masayang-masaya Sa Muling Pagkikita Nila Ng Kanyang Napakagwapong Swiss Boyfriend

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naniniwala ka ba sa kapangyarihan ng pag-ibig? Ito umano ang isa sa pinakamalakas na emosyon ng isang tao. Lahat ay gagawin ng isang taong umiibig para lamang makapiling at mapasaya ang minamahal nito. Kahit na, nababalot ang mundo ng nakakamatay na p@ndemya.

Marami nang love story ang naiproduce ni Bella sa industriya ng entertainment. Subalit kung titingnan ay walang ibang mas nakakakilig kundi ang sarili nitong istorya ng pagmamahalan.

Source: Bella Padilla IG

Proud si Bella sa kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay at madalas niya itong ipakita sa kanyang social media. Sa hindi inaasahang pagkakataon nito nakilala si Norman. Sa katunayan ay dahil sa pelikula na “Meet Me in St. Gallen” na ginanap sa St. Gallen, Switzerland, nito nakilala si Norman.

Source: Bella Padilla IG

Noong Disyembre 2017 sila nagkakilala, at noon ay mabuting magkaibigan pa lamang. Hanggang sa naipagpatuloy nila ang komunikasyon sa isa’t isa at tuluyang nahulog ang damdamin. Ibinahagi naman ni Bella sa publiko ang kanilang relasyon noong Oktubre 2020, at mula noon ay inaabangan na ng fans nito ang nakakakilig na love story ng dalawa.

Source: Bella Padilla IG

Bagamat milyang milya ang layo sa isa’t isa ay nagawang malampasan ng dalawa ang pagiging LDR o Long Distance Relationship. At nito lamang ay napansin ng mga fans ni Bella ang bagong photos na ibinabahagi nito sa Instagram. Tila nasa Italya ang aktres kasama ang kanyang Swiss boyfriend.

Source: Bella Padilla IG

Mapapansin na talagang sinusulit ng magkasintahan ang mga sandali na magkasama sila. Bawat post ay nasa iba’t ibang lugar ang dalawa. Mapapansin na namasyal ang dalawa sa Florence, Italy, sa paligid ng Piazza del Duomo. Naglagay naman ng caption ang aktres ng, “Pamaypay in Italia” na tumutukoy sa pulang pamaypay na hawak hawak nito sa litrato.

Source: Bella Padilla IG

Maliban rito ay napuno rin ni Bella ng mga litrato nilang dalawa ni Norman ang feed nito ng sweet na sweet na moments. Kilig na kilig naman ang mga fans lalo na’t guwapo ang nobyo nito. Mahahalata na masayang masaya ang aktres sa kanyang bagong romance ngunit, masasabi na nga kaya nito na ito na ang kanyang, “the one”?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lalaking Isinugod Sa Ospital, Nailigtas ng Babaeng Pinag-aral Nito Ng 11 Taong Nakalipas

Viral Ngayon ang Isang Lolong Bulag na Naglakad ng Napakalayo Upang Siya Ay Makapabakuna Lamang