in

Pulubing Lalaki na Ginupitan, Binihisan, Pinaliguan, At Kinupkop ng mga Sakristan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang nakakabilib na kwento ang ibinahagi ng mga sakristan ng San Roque Parish sa Mawab, Davao De Oro tungkol sa lalaking pulubi na si Totong.

Source: Teotristan Batutay

Sa halip na balewalain si Totong ay tinulungan nila ang mga ito. Ginupitan nila ang buhok nito, pinaliguan, binihisan at kinupkop nila. Makikitang sadyang hindi naging maganda ang kapalaran ni Totong ngunit ngayon ay babaligtad na ito.

Source: Teotristan Batutay

Pahayag ni Teotristan Batutay, “Gitabangon namo siya kay naluoy mi ug arun makita namo siya hinlo.” [Tinulungan namin siya dahil naawa kami sa kaniya at upang makita namin siyang malinis.]

Source: Teotristan Batutay

Makikita sa mga picture na binahagi ng mga ito na madungis at marumi si Totong. Bilang palaboy ay umaasa lamang ito sa mga nagmamagandang loob sa kaniya na magbigay ng pagkain o ano pa man. Nakita rin ito ng mga sakristan nang walang pantaas na damit.

Source: Teotristan Batutay

Masipag naman na ginupit ng mga sakristan ang kanyang buhol buhol na maruming buhok. Makikita sa larawan ang saya at ngiti ni Totong na sa wakas ay nakaramdan ng ginhawa.

Source: Teotristan Batutay

Mula sa buhok pa lamang ay ibang iba na ang hitsura ni Totong. Pinagpatuloy naman ng mga sakristan ang paglilinis kay Totong sa pamamagitan ng pagpapaligo sa kaniya. Nang mapaliguan na si Totong ay binihisan na nila ito ng maayos at malinis na damit at binigyan ng pagkain na makakain.

Source: Teotristan Batutay

May mga komento naman mula sa mga netizens na nagsasabi na dati umanong sakristan si Totong kaya naman ay kahit na palaboy ay makikita ito sa simbahan tuwing Linggo.

Source: Teotristan Batutay

Pinuri naman ng mga netizens ang kabutihan na ipinamalas ng mg sakristan kay Totong. Ayon sa isang netizen, “Good job boys. Pinakita ninyo ang katangian ng totoong Kristyano – matulungin, mahabagin, at may malasakit sa kapwa lalo na sa mga mahihirap, nangangailangan at iyong mga kinalimutan ng lipunan.”

Source: Teotristan Batutay

Nakakainspire ang pagiging matulungin ng mga sakristan na ito. Minsa’y isang mabuting gawa lamang ang kinakailangan upang mabago ang buhay ng isang tao.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pangarap Na Makapagtapos Ng Pag-aaral, Nakamit Ng Mga Lolo At Lola Na Ito

Lalaking Isinugod Sa Ospital, Nailigtas ng Babaeng Pinag-aral Nito Ng 11 Taong Nakalipas