in

Pangarap Na Makapagtapos Ng Pag-aaral, Nakamit Ng Mga Lolo At Lola Na Ito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Talagang may mga pagsubok munang darating bago natin maabot ang ating mga pangarap. Subalit sadyang nagiging rewarding naman sa oras na makamit natin ang mga ito. Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa at patuloy na magsumikap upang nakamit ang tagumpay.

Matagal muna bago nakamit ng mga lolo at lola na ito ang diploma na inaasam. Nagsimulang kumalat sa social media ang kwento ng mga lolo at lola na ito na grumaduate sa ALS sa kabila ng kanilang edad. Ngayon ay matuturing na sila na graduate at may litrato pa ng nakatoga.

Source: Awts Gege Photography
Source: Awts Gege Photography

Mula Negros Occidental ang mga matatanda na grumaduate ng ALS o Alternative Learning System. Ang layon ng ALS ay mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na hindi nakapagtapos ng pagaaral, na makapag-aral ng elementarya o highschool sa maikling panahon lamang. Ito ay programa ng DepEd para makapagtapos ng Formal Basic Education ang ibang kababayan natin. Ayon naman sa post ay:

“It is never to late or too old to be educated or reeducated”

  • Dr T.P Chia
Source: Awts Gege Photography
Source: Awts Gege Photography

Congratulations to the Deped-ALS Sagay Completers and Graduates of 2021. 🎉 Salute to the PROJECT-THIRDY ALS TEAM, DEPED Officials, Barangay and LGU Officials for there endless support in the implementation of ALS Programs

Thank you, DepEd Sagay”

Source: Awts Gege Photography
Source: Awts Gege Photography

Hindi man natin alam ang kwento ng bawat isa sa mga lolo at lola na grumaduate ay tunay na kahanga-hanga pa rin na itinuloy ng mga ito ang kanilang edukasyon. Kahanga-hanga rin na hindi naging dahilan ang kanilang edad upang hindi ipagpatuloy ang kanilang pagaaral.

Source: Awts Gege Photography
Source: Awts Gege Photography

Marami na ang natulungan ng programa na ALS, bagamat hindi lahat ay naibabalita sa madla. May mga buhay na nabago sa kabilang ng kanilang kawalan ng pagasa ay nakapagbukas ng mga oportunidad para sa kanila dahil sa tulong ng ALS.

Source: Awts Gege Photography
Source: Awts Gege Photography

Umani naman ng positibong reaksyon ang post na ito at samu’t saring pagbati mula sa mga netizens. Nakakainspire nga naman ang mga matatanda na ito at nawa’y may mga matulungan at magpursige na mga kababayan natin ang magpatuloy ng pagaaral sa tulong ng ALS.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nangamoy Prito Ang Kanilang Sinaing at Laking Gulat Nila Ng Malaman Ang Dahilan Kung Paano Nangyari

Pulubing Lalaki na Ginupitan, Binihisan, Pinaliguan, At Kinupkop ng mga Sakristan